Akusado

Akusado sa bigong pagpatay nalambat sa Makati matapos ang 23 taon

Edd Reyes May 6, 2025
14 Views

NAGWAKAS ang 23-taong pagtatago ng isang akusado ng frustrated homicide sa Baguio City nang matunton ng mga pulis noong Linggo sa Makati City.

Nasakote si alyas George, 51, sa Lawton Avenue, Brgy. Northside, Makati City dakong alas-3:00 ng hapon matapos ang ilang araw na pagmamanman ng District Intelligence Division ng Southern Police District sa kanyang mga kilos.

May nakabimbing warrant of arrest kay alyas George, ayon kay SPD Acting District Director P/BGen. Joseph Arguelles, para sa kasong frustrated homicide galing kay Baguio City Regional Trial Court (RTC) First Judicial Region Presiding Judge Fernando Wil Pamintuan ng Branch 3.

May itinakdang piyansa na P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nakapiit na ang akusado habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglipat sa kanya sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Baguio City Jail.