Calendar
Alagang Tingog Center binuksan sa Mandaue City
UPANG mailapit ang tulong ng gobyerno sa publiko, binuksan ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Partylist ang Alagang Tingog Center (ATC) sa Springwood District, Mandaue City, Cebu.
Naging posible ang pagbubukas ng ATC sa tulong ni Rep. Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon.
Sa pamamagitan ng Alagang Tingog ay mas madaling makakukuha ng serbisyo ng gobyerno ang mga mahihirap.
Bukod sa inagurasyon ng ATC, ang Office of House Speaker at Tingog, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay nagsagawa ng off-site payout sa Brgy. Opao Gym. Nabigyan ng tig-P5,000 ang 1,100 pamilya na nangangailangan ng tulong.
Dumalo sa event sina Tingog Partylist Representatives, Hon. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre, Rep. Lolypop Ouano-Dizon, PBGEN. Anthony Aberin, Director ng PNP Regional Office, PCOL. Jeffrey Caballes ng Mandaue City Police Office, Usec. Terence Calatrava ng Office of Presidential Assistance for the Visayas, Mayor Jonas Cortes, Board Member Jonkie Ouano, mga city councilor at mga lider ng iba’t ibang barangay.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Rep. Yedda na marami pang tulong ang ihahatid ng Tingog sa mga nangangailangang residente ng lungsod.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Rep. Yedda sa pagsuporta sa Tingog na nakakuha ng 96.8% sa pinakahuling survey.
Nagpasalamat naman sina Rep. Lolypop Ouano-Dizon at Brgy. Opao Captain Allan Frias sa inihatid na tulong sa kanyang mga constituents.
Sinabi ni Rep. Jude Acidre na ang pagbubukas ng mga ATC sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay naglalayong maghahatid ng tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko.
Nagpasalamat din si Nanay Aireen, isa sa mga natulungan, sa Tingog at kay Cong. Lolypop.