Calendar
Ang technical teams mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office ( MENRO), Mariveles Water District ( MARIWAD) at barangay officials sa pamumuno ni Captain Dante Malimban, ikalawa sa kanan, habang nag iinspect sila sa Papaya River na nasa Tarak ridge.CHRISTIAN D SUPNAD
Alas asin pwedeng source ng potable water
ALAS ASIN, MARIVELES, Bataan — Malaki ang potential na pwedeng pagkunan ng potable o maiinom na tubig ang industrial at pinakamalaking barangay na ito sa Mariveles.
Ito ang lumitaw na balita ng bumisita noong Miyerkules ang technical team mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Mariveles Water District (MARIWAD) barangay officials, sa pamumuno ni Brgy. captain Dante Malimban, sa Papaya river sa Tarak ridge.
Ang Tarak ridge ay kilala bilang pinakamataas na bundok dito na may mga waterfalls at paboritong puntahan ng mga mountain hikers.
Ayon kay Kapitan Malimban, kumuha ng water samples ang mga teams sa Papaya river at nakitang malinis ang tubig at ligtas para sa human consumption dahil walang contaminants at harmful bacteria.
Crystal clear water ang dumadaloy sa Papaya River matapos mag-inspect ang team, ayon sa kapitan.
Nasa Alas asin din ang sikat na Mt. Tarak ridge, forested trail at Papaya river.
Ayon pa kay Malimban, ang proyektong ito may kakayahang mag supply ng malinis na tubig sa community sa susunod na taon.
May kakulangan sa potable water dahil sa dami ng mga tao mula sa Freeport Area of Bataan kung saan libu-libo ang manggagawa.

