Calendar
Alas Pilipinas handa na sa AVC
SASABAK sa panibagong matinding pagsubok ang Philippine women’s volleyball team sa gaganaping 2024 AVC Women’s Challenge Cup simula sa Miyerkules sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa pangunguna nina veteran playmaker at Japan V Cup champion Jia Morado at Sisi Rondina, ang Alas Pilipinas ay lalaban sa Australia Sa,May 23, India sa May 24, Iran sa May 25 at 2023 AVC third placer Chinese-Taipei sa May 26 sa Pool A
Ang iba pang mga miyembro ng team ay sina Dawn Macandili, Jen Nierva, Sisi Rondina, Cherry Nunag, Dell Palomata, Faith Nisperos, Fifi Sharma, Vanie Gandler, Eya Laure, Angel Canino, Julia Coronel, Thea Gagate at Casiey Dongallo.
Coach ng newly-formed team si Sergio Veloso ng Brazil.
Nasa Pool B naman ang defending champion Vietnam, runner-up Indonesia, Kazakhstan, Singapore at Hong Kong.
Ang mananalo sa kumpetisyon na itinataguyod din ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ay magkakaroon ng karapatan na lumahok sa 2024 FIVB Volleyball Women’s Challenger Cup, na gaganapin din sa Manila sa July 4-7.