NCRAA NCRAA officials.

NCRAA volleyball hahataw na

Robert Andaya Jun 10, 2024
75 Views

MATAPOS ang basketball, sisimulan naman ng NCRAA ang volleyball competitions simula June 13.

Inanunsyo ang pagbubukas ng volleyball matapos ang team coaches at captains meeting na ginanap sa Olive Hotel sa Lyceum of the Philippines University compound sa Calamba, Laguna kamakailan.

Pinangunahan ang meeting nina NCRAA General Manager Buddy Encarnado, NCRAA Vice President Hazel Mea, treasurer Ted Cada, auditor Benjie Hernandez at Edgar Barroga.