MPD

Seguridad sa sementeryo tiniyak ni MPD chief Santiago

Jon-jon Reyes Oct 28, 2026
41 Views

MPD1MPD2MPD3NAGSAGAWA ng masusi at malawakang inspeksyon si PBGen Atty. Arnold C. Santiago RCrim., DPA, District Director ng Manila Police District, sa Manila Chinese Cemetery bilang paghahanda para sa UNDAS 2026.

Sinuri rin niya ang mga tauhan ng pulisya na nakatalaga sa sementeryo sa pamumuno ni Police Lieutenant Col. Leopoldo B Cajipe Jr., na siyang nakakasakop sa area.

Tiniyak ni Gen. Santiago ang wastong pagsusuot ng uniporme, magalang at respetadong pakikitungo ng pulisya sa publiko.

Siniguro rin ng hepe ng MPD ang regular na pagpapatrolya ng mga parak upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa sementeryo.

Siniguro rin ni Santiago ang kaligtasan at seguridad ng mga bibisita sa sementeryo upang gunitain ang undas.