Dizon

Dizon sinuri mga bus terminal sa unang araw sa pagbabalik sa DOTr

Jun I Legaspi Oct 28, 2026
19 Views

Dizon1Dizon2Dizon3Dizon4SA unang araw ng kanyang pagbabalik sa Department of Transportation (DOTr), nagsagawa agad ng inspeksiyon sa mga bus terminals sa Sampaloc, Maynila

Agad ipina-show cause order ni Secretary Vince Dizon ang Ohayami Transit at Victory Liner dahil sa mga paglabag sa mga required na pasilidad sa kanilang mga terminal sa Sampaloc, Maynila.

Sa kanyang pag-iikot sa mga bus terminal para sa Undas, nakita ni Secretary Dizon na kulang ang mga upuan at electric fan sa waiting area.

Madumi at walang tubig sa mga banyo, at kulang ang opsyon na cashless ticket selling, na taliwas sa utos ng Pangulo na tiyaking komportable at ligtas ang mga pasahero.

Nagpaalala ang kalihim sa iba pang mga kumpanya ng bus na sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).