Arena Candon City Arena.

PVL On Tour balik sa Candon

Robert Andaya Jul 2, 2025
498 Views
Arena1
Loob ng Candon City Arena.

MULING magbabalik sa Candon City, Ilocos Sur ang mga makapigil-hiningang aksyon sa Premier Volleyball League (PVL) On Tour sa Candon City Arena sa July 29.

Tampok sa naturang pagbabalik ang inaabangang sagupaan ng mga bigating teams na Petro Gazz Angels at Choco Mucho Flying Titans, na inaasahan ding magtutuos para sa korona sa nasabing pre-season tournament.

Ito ang ikatlong pagkakataon na magsisilbing punong abala ang Candon City sa PVL On Tour,

Sa apat na teams na nakatakdang maglaro sa Candon, ang All-Filipino champion Petro Gazz ang nagtataglay ng pinakamagandang record.

Winalis ng Angels ang kanilang unang dalawang laro sa PVL On Tour sa Candon City Arena.

Tinalo nla ang Nxled Chameleons nung Oct. 27, 2023, at Farm Fresh Foxies nung Nov. 23, 2024.

Subalit inaasahan na dadaan ngayon sa matinding pagsubok ang Angels laban sa Flying Titans.

Bago ang enkuwentro ng Petro Gazz at Choco Mucho, sasalang muna sa aksyon ang Chery Tiggo at Capital1 simula 5 p.m.

Tiniyak naman ng Candon City government, sa pangunguna ni Mayor Eric Singson, na muling magiging matagumpay ang PVL On Tour.

Ang Candon City Arena ay ipinagmamalaki ngayon dahil sa mga state-of-the-art features at technology nito, na naaayon sa mga national-level sporting events.

Bukod sa mga laro, naghahanda din ang mga local organizers ng iba pang mga activities, gaya ng mga fan interactions at meet-and-greets upang lalo pang pasiglahin ang PVL On Tour.