Calendar
Alden bet mag-Tokyo Marathon
Binabalak palang sumali ni Alden Richards sa marathon abroad next year. Target daw niya ang Tokyo Marathon in March 2026.
“Hopefully, tinatrabaho ko na rin po to really get a slot for the Tokyo Marathon next year,” sey ng Asia’s Multimedia Star sa panayam sa “24 Oras.”
Pero bago ito ay sasali siya sa upcoming “Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino” charity run of the Mowelfund on May 11 kung saan ay tatakbo siya ng 16 kilometers.
He will also be joining a half-marathon sa December.
Tulad nga ng alam ng marami, bahagi ng fitness program ni Alden ang running, gayundin ang CrossFit and lately nga ay may bago siyang hobby which is cycling.
Samantala, pinaghahandaan din ng aktor ang bago niyang iho-host na dance show sa GMA-7, ang “Stars of the Floor.” In fact, may pineprepara siyang production number kung saan ay hahataw siya sa dance floor.
“It’s the first time that we’re gonna be seeing a co-labanan between TV personalities and social media personalities. Hindi pa ‘to nakikita sa Pilipinas, this is the first time, this is an original concept of GMA,” aniya.
Medyo challenging nga raw para sa aktor ang mag-prepare ng sarili niyang dance number.
“Medyo parang… Hindi naman kinalawang nang konti pero parang bumagal lang ‘yung pick-up but with this, hopefully, bumalik ulit. And ‘andito pa rin naman pala eh, ‘andito pa rin ‘yung dancing skills natin,” sey pa niya.