HALALAN SA ILOCOS SUR
May 12, 2025
Magandang itim na bigas meron na sa Valencia City
May 12, 2025
Merlat lapitin ng yummy boylet
May 12, 2025
Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa
May 12, 2025
May dalang paltik, inaresto
May 12, 2025
Calendar

Provincial
Alfamart branch sa Batangas hinoldap
Jojo Cesar Magsombol
Dec 18, 2024
206
Views
ISANG sangay ng Alfamart ang pinasok ng dalawang holdaper at hinoldap ang dalawang empleyado sa Brgy. Concepcion, Batangas City, ayon sa report ng pulisya.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Reynelyn Naron De Leon, 33, may asawa, store crew at residente ng Brgy. Soro Soro Karsada, Batangas City at Wiljae Basug, 26, binata, shift leader, at residente ng Road 3, Brgy. Tingga Labac, Batangas City.
Ayon sa dalawang biktima, bandang alas-4:50 ng umaga ng December 16, 2024 ay pumasok sa convenience store ang dalawang suspek na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at nagdeklara ng hold-up.
Kaagad na kinuha ng mga suspek ang P150,000 sa kaha at mabilis na tumalilis patungo sa di-malamang lokasyon.
HALALAN SA ILOCOS SUR
May 12, 2025
Magandang itim na bigas meron na sa Valencia City
May 12, 2025
MAAGANG BOTANTE
May 12, 2025
Kano utas ng matagpuan sa loob ng silid sa Pampanga
May 12, 2025
Money ban ops 1 nalambat
May 11, 2025