Calendar

‘Alyansa’ bets suportado MSMEs, palalakasin turismo, isusulong railway project sa Batangas
BATANGAS CITY — Kailangang suportahan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) at isulong pa ang turismo sa Batangas at ibang lalawigan sa bansa.
Ito ang paraang naiisip ng mga pambatong senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas upang matulungan ang Batangas at iba pang lalawigan sa bansa, para paigtingin ang paggulong ng ekonomiya at umangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Sa ginanap na press conference ng Sabado sa Batangas ng Alyansa, ipinagdiinan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kahalahagan ng MSMEs sa kaunlaran ng isang lalawigan.
“Itulak natin iyong mga kapakan ng mga MSMEs. Ito ‘yung medyo neglected na sector samantalang sila ‘yung may pinakamalaking kontribusyon para sa ekonomiya ng bansa, 99.5 percent at least ng indsutriya natin MSMEs,” paliwanag ni Lacson.
“Tapos ang kanilang nakukuha sa labor force, mahigit 6 percent. ‘Yung available labor force natin, ‘yung mga abled-body, naka-employ iyan, ‘yung 66 percent plus naka-employ iyan sa MSMEs. So bakit hindi natin masyado natutulungan ang mga MSMEs nang sa ganoon eto ‘yung magiging pinaka-engine ng, hindi lang sa Batangas, kundi sa buong Pilipinas,” dagdag ni Lacson.
“Isa iyon sa naisip namin na partikular o specific na programa para mapaunlad iyong turismo, manufacturing at iba pang forms of industries, para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Batangas at saka ng ibang mga lalawigan sa buong bansa,” giit pa ni Lacson
Ipinanukala rin ni Lacson na isusulong niya na maisabatas ang pagbibigay ng 1 porsyentong insentibo mula sa 12 percent value added tax (VAT) ng goods at services ng mga lalawigan, upang magamit sa mga proyektong pangkabuhayan at development.
“Ang nominal gross domestic product ng Batangas, specify natin ang Batangas, noong 2023 ay P645 billion. Mayroon akong pinanukala, sumasang-ayon naman si Secretary Ralph Recto kasi departamento niya ‘yung medyo tatamaan, kung P645 billion ang nominal gross product, ibig sabihin iyon ang nire-render na goods and services. Kapag goods and services ito ay subject to VAT na 12 percent. Ang naiko-contribute ng Batangas sa national government nasa P77 billion a year at least in 2023,” paliwanag ni Lacson.
“But since Batangas is really moving up pagdating sa development, tataas pa iyan. So ang suggestion ko is pwedeng i-legislate na i-rebate o kaya magbigay ng share, ‘yung 12 percent na mako-contribute ng isang lalawigan tulad ng Batangas, bigyan ng 1 percent from the 12 percent. Easily babalik sa Batangas ‘yung P770 million at kung umangat pa pwedeng pumalo ng P1 billion. Pero pwedeng gamitin lang iyon sa development projects at livelihood, infra at saka livelihood,” giit pa ni Lacson.
Panukala naman ni Senador Francis “Tol” Tolentino, itulak ang pagkakaroon ng railway system na kumokonekta sa Batangas Port upang mapabilis ang takbo ng negosyo sa lalawigan.
“We need to push forward previous plans to have a railway coming from Batangas Port, which is an international port connecting it to Metro Manila. Napakalaki po ng involvement ng logistics dito, iyong manufacturing ng Batangas ay hindi na po siguro mababalewala. You have to improve the logistics chain by having a faster boat. Kasi hindi pwedeng sa SLEX (South Luzon Expressway) lang,” sabi ni Tolentino.
“Ngayon po sa paliparan, mayroon po tayong maliit na paliparan sa Lipa. Mayroong kasalukuyang ginagawa sa Santo Tomas. Merong ginagawa ngayong ala-F1 racing complex sa Padre Garcia.
Lahat po ito nagpapakita na ang turismo natin dito sa Batangas ay pausbong,” dagdag nito.
Dumalo rin sa naturang press conference sina dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, dating Mandaluyong City Mayor at Interior Secretary Benhur Abalos, at Makati City Mayor Abby Binay, ilang araw bago ang midterm polls sa Mayo 12.
Bumubuo rin sa Alyansa Senate slate na suportado ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Senador Ramon “Bong” Revilla, Senador Pia Cayetano, dating Senador Manny Pacquiao, Senador Lito Lapid at Las Piñas Rep. Camille Villar.