Calendar
Ama inaresto habang nagdo-droga sa harap ng anak
NAHULI ng mga pulis ang 32-anyos na lalaki noong Lunes na bumabatak ng shabu sa harap mismo ng kanyang anak sa Valenzuela City.
Nahuli ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento sa San Gregorio St., Brgy. Gen. T. De Leon na sina P/Cpl. Elmer Olieca at Pat. Sherwin Caampued ang paggamit ng shabu ni alyas Jerome sa naturang lugar dakong alas-7:10 ng gabi.
Nang lapitan ng mga pulis, kitang-kita ang ginagawang pagbatak ng shabu ng suspek sa harap mismo ng isa’t kalahating taong gulang niyang anak.
Nakuha ng mga pulis sa lugar ang isang plastic sachet na may bahid ng shabu, aluminum foil, improvised burner at dalawang disposable lighters.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong illegal possession of drug paraphernalia at use of dangerous drugs sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

