Martin House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez

Amante nagpasalamant kina PBBM, Speaker Romualdez

Gil Aman Oct 8, 2024
81 Views
Amante
Ipinahayag ni reelectionist Loreto Amante ng ikatlong distrito ng Laguna ang kanyang mga naipasang batas na pinakikinabangan ng mga mamamayan.

SINABI ni Laguna 3rd district Rep. Loreto “Amben” Amante na naipasa sa Kongreso ang Expanded Universal Social Pension para sa mga senior citizen na naglalayong makatulong sa mga senior citizens sakaling muli siyang mahalal sa susunod na taon.

Ipinahayag ito ng pulitiko matapos ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections noong Lunes.

Nagpasalamat si Amante kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos gayundin kay House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez dahil sa suporta sa kanyang inihaing batas.

Ayon pa kay Amante na maging ang may kaya sa buhay makakatanggap na rin ng social pension.

Sa isang taon posibleng maging parehas na rin ang tinatanggap na pension ng mga retirado mula sa 500 magiging P1,000 na.

Dagdag pa ng mambabatas na nakapaglagay naman ang Tingog Party list ng kanilang satellite office na tutugon sa mga pangangailangan ng kanyang distrito sa Laguna.

Ipinagmalaki rin ni Amante ang kanilang naibibigay na tulong sa pamamagitan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Tuloy tuloy rin anya ang pagbibigay ng mga medical assistance at mga payout sa mga miyembro ng tricycle drivers, jeepney drivers, BPSO members at mga farmers.

Halos 80 porsyento na rin ang kanilang naisagawang mga infrastructure project sa mga barangay na kanyang nasasakupan sa halos isang taon.