Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
SOTTO LIGTAS SA CONTEMPT SA DESISYON NI LEONEN
Oct 13, 2026
Calendar
Provincial
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
Bernard Galang
May 9, 2025
466
Views
ARESTADO ang dalawang suspek sa pambubugbog at pagkamatay ng obrero noong Huwebes sa Angeles City.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr. ang biktima na si Ruben Suson Jr., 43.
Ayon sa Angeles City police, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima at ng isang grupo ng mga lalaki sa Sitio Pader, Brgy. Pulung Maragul, Angeles City.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Valle, 29; at Sello, 23.
Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima dahil sa pag-atake ng mga suspek na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Crime incidents sa CL bumaba ng 14.6%
Oct 12, 2026

