Suspek

Amerikano na wanted sa tangkang kidnap arestado

Bernard Galang Jul 20, 2025
345 Views

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga — Inaresto noong Sabado ang isang dayuhan at no. 4 most wanted ng Angeles City.

Ang suspek na kinilalang si alyas Jack, 38, naninirahan sa Barangay Cuayan, Angeles City, ay dinakip ng mga operatiba ng Police Station 5, sa koordinasyon ng Police Station 1, City Intelligence Unit- ACPO, CIDG Angeles CFU, at RIU3 CIT Angeles batay sa warrant sa kasong attempted kidnapping na inisyu ng RTC Branch 12 ng Third Judicial Region, Zaapoo City.

Pinuri ni PRO3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr. ang mga operating team sa kanilang mabilis na pagkilos.

“Ang pag-aresto sa isang high-value target tulad ni Tarik Jackson Pierce ay nagpapatunay lamang sa ating pangako sa pagdadala ng mga kriminal sa hustisya, sino man sila o saan sila nanggaling. Hindi natin hahayaan na maging kanlungan ang Central Luzon ng mga lumalabag sa batas. Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng coordinated intelligence work sa ating mga unit,” ani Penones.

Idinagdag niya na ang PRO3 ay nananatiling walang humpay sa pagsisikap nitong alisin sa mga komunidad ang mga wanted na indibidwal at tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng precision policing at legal na operasyon.