Calendar
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na nagsamantala sa kanyang anak.
Anak hinalay ng ama, NBI nasakote ang suspek
ARESTADO ang isang ama ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong rape by sexual assault sa kanyang anak sa General Santos City kamakailan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nagsampa ng reklamo sa NBI ang biktima na sinamahan ng isang kinatawan ng City Social Welfare and Development (CSWD) ng General Santos City.
Ayon sa complainant, siya ay sekswal na inabuso at sinaktan ng kanyang biological na ama.
Inilunsad ang isang hot-pursuit upang mahuli ang suspek.
Sa pamamagitan ng intelligence gathering, natuklasan ng mga ahente ng NBI na nagtatrabaho ang suspek bilang tricycle driver sa General Santos Public Market.
Dumating ang suspek at positibong kinilala ng biktima kaya nahuli.
Pinuri ni Santiago ang mga ahente ng NBI-SARDO sa kanilang matagumpay na operasyon.

