Calendar
Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang dalawang suspek na inaresto ng mga ahente ng NBI sa entrapment sa Cavite City.
Nagbenta ng maling produkto, huli
INARESTO ng mga elemento ng National Bureau of Investigation-Cavite District Office North (NBI-CAVIDO North) sina alyas General at Cong Wally dahil sa pag-aalok ng sellable items na bawal na paglabag sa Kodigo Penal.
Ayon sa salaysay, nakipagpulong ang mga complainant kay Cong Wally, isang kandidato para sa Kongreso, upang i-alok sa kanila ang 700,000 disposable vape juice cartridges.
Ilalabas daw ang mga produkto kapag sila ay magbabayad ng P20 milyon.
Tiniyak umano ng opisyal na magpapatuloy ang transaksyon at sinabing kailangan lang niyang makipag-usap sa Commissioner of Customs tungkol sa pagpapalabas ng mga produktong vape.
Sa kabila ng pagbabayad ng P45.5 milyon sa iba’t-ibang indibidwal, ayon kay Cong Wally, hindi naganap ang paglabas ng mga nabanggit na produkto.
Dito na hiningi ng mga complainant na ibalik na lamang ang kanilang pera subalit tila nagpalusot na naman si Cong Wally.
Sa halip, inalok niya ang isa sa mga nagrereklamo ng isang bagong brand ng mga produkto ng vape na sinasabing nagmumula sa isang partikular na General.
Nang maramdaman na ito ay isa na namang pagpapalusot upang takpan ang dati niyang obligasyon, nagpasya ang complainant na humingi ng tulong sa NBI at naaresto ang mga suspek.

