Pacquiao

Anak Mahirap, Batang Maynila nagsuportahan

Mar Rodriguez Apr 29, 2025
15 Views

Pacquiao1MISTULANG nagsanib puwersa ang kapwa laking hirap na sina Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao at dating Manila Mayor Francisco “Isko” Dumagoso Moreno matapos ang isinagawang campaign rally ng dalawang kandidato sa Baseco Compund sa Tondo at Sta Ana, Manila.

Ipinahayag ni Moreno na tinaguriang “Batang Maynila” ang buong suporta nito para kay Pacquiao na tinatawag naman bilang “Anak ng Mahirap” dahil sa pinanggalingan nitong kahirapan bago pa man siya sumikat at nakilalang Kampeon sa larangan ng boxing.

Ito naman ang ikalawang pagkakataon na ang dating magkatunggali noong nakalipas na 2022 Presidential elections ay muling magkaharap matapos ang pagkikita nina Pacquiao at dating Vice President Leni Robredo na kumandidato rin sa pagka-Pangulo noong 2022.

Magugunitang si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang personal na pumili kay Pacquiao na isama sa Senatorial line up ng APBP bunsod ng napakalaking potensiyal at naging karanasan nito bilang dating mambabatas.

Pinuri naman ni Moreno ang kuwento ng buhay ni Pacquiao bilang inspirasyon para sa milyon-milyong Pilipino na nagsusimikap na makaalpas sa kahirapan.

“Pareho kaming galing sa hirap. Hindi nakakalimot si Manny sa kaniyang pinanggalingan. Kaya karapat-dapat siyang bumalik sa Senado,” wika ng dating Manila Mayor Moreno.