Carloj

Anak may alay na tula kay Carlo J. Caparas

Vinia Vivar May 27, 2024
146 Views

Pumanaw na ang veteran comic strip creator, writer, director at producer na si Carlo J. Caparas nitong Sabado ng gabi, May 25 sa edad na 80.

Inanunsyo ng anak ni Direk Carlo na si Peachy Caparas ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang oda o tula sa kanyang Facebook post. Ito ay may titulong Sa Bawat Tipa Ng Makinilya.

Hindi na sinabi pa ni Peachy ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Narito ang nilalaman ng oda:

“SA BAWAT TIPA NG MAKINILYA an ode to Direk Carlo J.

“Halos umaga na, sa libliban ng Ugong.

“Isang makinilya, pilitang binabasag ang katahimikan roon.

“Isang mananalaysay ng kwento ng buhay, nilalabanan ang antok, nagsusunog ng kilay.

“Sa kanyang taglay na brilyo mga obra maestrang nobela kanyang nabuo.

“Panday, Pieta, Elias Paniki, Bakekang, Totoy Bato ang ilan lamang sa mga ito. Sa larangan ng komiks siya ang naghari, naging bahagi ng kultura, naging yaman ng lahi.

“Umabot sa lona ng pinilakang tabing, hinangaan, pinalakpakan ng bayang magiting.

“Subalit buhay ay sadyang may wakas…

“’Pack up na Direk.’ Oras na ng uwian.

“Hayaang kasaysayan ang humusga sa iyong mga obra.

“Salamat Direk Carlo J. sa mga dibuho at istorya.

“Mga istoryang nabuo sa bawat tipa ng iyong makinilya…

“Carlo J. Caparas 1944-2024.”

Sa huli ay nagbigay din ng mensahe si Peachy sa kanyang ama.

“Dad, you will forever be loved, cherished, and honored… by all of us.

“Love, The children of a King,” saad ni Peachy.

Inanunsyo rin ng pamilya ang detalye ng wake.

“Official wake will start on Monday, May 27, 2024, from 12pm to 12mn, at the Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium, Villar Sipag, C5 Extension Road, Brgy. Manuyo Dos, Las Pinas. Chapel name is Conservatorio II.

“Flowers are welcome to be received as early as tomorrow, May 26,” ang anunsyo ni Peach.

Matatandaan na unang nakilala si Direk Carlo bilang manunulat sa komiks.

Siya ang nagbigay-buhay at lumikha ng Flilipino superheroes sa kanyang mga nobelang Panday, Totoy Bato, Bakekang, Gagambino at Elias Paniki.

As a filmmaker, ilan sa mga idinirehe niya ay ang mga pelikulang The Vizconde Massacre, Pieta, Ikalawang Aklat, Celestina Sanchez, Alyas Bubbles – Enforcer: Ativan Gang Lipa, Arandia

Massacre: Lord, Deliver Us from Evil, The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre – Jesus Save Us! at The Myrna Diones Story: Lord, Have Mercy!