Arroyo

Anak ni GMA itinalagang Philippine Ambassador to Austria

239 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo, anak ni dating Pangulo at Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, bilang Philippine Ambassador to Austria.

Ang nomination ng nakababatang Arroyo ay nakabinbin sa Commission on Appointments (CA).

Ang Ambassador to Austria ang nakakasakop sa Republic of Croatia, Republic of Slovenia, at Slovak Republic.

Itinalaga rin ni Marcos ang beteranong mamamahayag na si Jaime FlorCruz, bilang Philippine Ambassador sa Beijing.