Reyes

ANAKALUSUGAN Party List Group ikinabahala ang 86% kaso ng mga bata at teenagers na mayroong HIV

Mar Rodriguez Mar 17, 2023
216 Views

NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala ang ANAKALUSUGAN Party List Group sa Kamara de Representantes kaugnay sa mataas na kaso ng mga bata at teenagers na mayroong human immunodeficiency virus (HIV) alinsunod sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Binigyang diin ni ANAKALUSUGAN Party List Congressman Ray T. Reyes na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang katotohanan na maraming kabataan ngayon partikular na ang mga nasa murang edad na mayroong HIV. Isang bagay na kailangan tugunan sa lalong madaling panahon.

Ikinabahala din ng kongresista na 86% ng mga kabataan at teenagers ang nahawahan at nagkaroon na ng HIV. Kung saan, kailangan pang paigtingin ang kampanya ng gobyerno patungkol sa HIV.

“We would like to emphasize the urgent need to address the HIV epidemic in the Philippines particularly among our youth. New data shows that 86% of new HIV infections are among teenagers and children,” ayon kay Reyes.

Dahil sa pangyayaring ito, iminumungkahi ni Reyes sa Department of Education (DepEd) na dapat maisama sa curriculum ang subject na “comprehensive age-specific sexuality education” na ituturo sa mga primary schools. Kabilang na ang pagtuturo nito sa mga komunidad at sa lahat ng media flat forms.

Ipinaliwanag ni Reyes na layunin ng programang ito na magkaroon ng sapat na edukasyon at kaalaman ang mga kabataan pati na rin ang mga magulang hinggil sa HIV at kung papaano ito maiiwasan. Kabilang na dito ang pagtuturo sa mga magulang ng pamamaraan ng safe sex.