anderson Anderson: Bida kahit sa basketball. AsiaBasket photo

Anderson bida sa panalo ng Corsa

Robert Andaya Jul 27, 2023
330 Views

BIDA sa pelikula, bida sa basketball.

Nagpasiklab ang sikat na aktor na si Gerald Anderson para pamunuan ang Corsa sa 76-73 panalo laban sa Uratex sa 2023 Bola.

TV AsiaBasket Las Piñas Championship sa Villar Coliseum.

Si Anderson ay gumawa ng 18 points, six rebounds, three assists, and two steals, para sa makapigil-hiningang panalo ng Corsa laban sa Uratex.

Dahil dito, tumabla ang Corsa sa Uratex sa parehong 2-2 win-loss record

Nakatuwang ni Anderson sa panalo ng Corsa sina Justine Sanchez, na may 17 points, seven rebounds, eight assists, at two steals at Tony Ynot, na may 10 points, kabilang ang isang stepback three-point shot na bumasag sa 71-all deadlock na may natitirwng 1:14 sa laro.

Malaking tulong din si Babacar Ndong na nagtapos na may nine points, game-high 20 rebounds, four assists, one block, at five steals.

Nanguna naman si Ola Adeogun para sa Uratex sa kanyang 20 points, 17 rebounds, at two blocks, kasunod si Jett Vidal na may 13 points, three rebounds, four assists, at one steal.
Si Bam-Bam Gamalinda ay nag-ambag ng 10 markers.

The scores:

Corsa (76) – Anderson 18, Sanchez 17, Macatangay 10, Ynot 10, Ndong 9, Estacio 4, Cunanan 3, Acosta 3, Ortega 2, Ollano 0, Lepalam 0

Uratex (73) – Adeogun 20, Vidal 13, Gamalinda 10, Rosagas 8, Pardo 8, Salamat 6, Arboleda 5, Gotladera 2, Nzeusseu 1, Gil 0

Quarterscores: 19-19, 39-38, 55-52, 76-73.