Calendar
Andrea gustong magtagal sa serye ni Coco
Hindi pa man nagte-taping para sa kanyang bagong role sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay sobrang kabado na si Andrea Brillantes to the point na araw-araw ay iniisip niya ito.
“I admit it. Talagang kinakabahan po ako, yes, iniisip ko siya daily. Minsan five times a day, I think about it more than I eat pa nga, eh,” pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.
Matatandaan na last week ay inanunsyo na ngang kasama si Blythe (Andrea) sa mga bagong cast na papasok sa nasabing action series na pinagbibidahan at idinidirehe ni Coco Martin.
“At first, natuwa ako. Pero kinabahan din ako. It is a great opportunity for me as an actress but at the same time, alam ko kasi iba ang, may sariling flavor si Direk Coco, may sarili siyang timpla sa set kung paano ang script,” saad ng aktres.
Aware si Andrea na walang script kung magtrabaho si Coco kaya mas lalo siyang kinabahan.
“Alam naman natin ‘yung wala ngang script sa ‘Batang Quiapo’ so, kinabahan din ako,” sambit ng aktres.
Bagama’t hindi pa nire-reveal kung ano ang role na gagampanan ng aktres sa serye, alam niyang malayo ang tema nito sa past projects niya tulad ng ‘Senior High’ at ‘High Street.’ Aniya, ready naman siya.
“I think, yes, I am ready for mature roles. Kasi we have this stigma na ’pag mature roles, super, like, daring, sexy. It’s more of, like, I think for me, leveling up pa kasi ‘yung mga kasama ko po talaga, mga bigating veterans. I need to step up my game,” sey ng dalaga.
Kung ang mga naunang aktres na sina Lovi Poe at Ivana Alawi ay hindi nagtagal sa serye, ayon kay Andrea, gagalingan niya para magtagal siya.
“Yes, actually, gusto ko po talagang magtagal. Kaya kailangan ko lang talagang galingan, pagbutihan lagi para hindi po ako i-tegi,” sey niya sabay-tawa.
“Ayoko po, eh (na matsugi),” natatawa pa niyang sambit.
Ngayong linggo na sasabay si Andrea sa taping kasama ang iba pang bagong cast members.