DOH

Ang ating kailangang susunod na DOH Secretary.

346 Views

Mainit na usapin ngayon ang pagpili ng ating Pangulo sa susunod na DOH Secretary.

Ang susunod na Secretary of Health (SOH) ay inaasahang mangangasiwa at magsasa-ayos ng mga programa ukol sa pandemic, at mag-aayos ng mga aberya na ating narinig tungkol sa PhilHealth,
Pharmally, at maraming pang iba. Siya rin ang tututok sa mga pangangailangan pangmedical ng mga mamamayang Pilipino at mga hospital ng ating bansa.

Binigyang diin din ng Palasyo ng Malacañang na kailangang dumaan sa butas ng karayom ang pagpili sa susunod na Secretary ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Press Sec. Trixie, napakahalaga ng posisyon sa natural ahensya dahil ito ang nangunguna sa pangangasiwa sa pandemyang dulot ng COVID-19 kung kaya’t kailangan dumaan sa butas
ng karayom ang pagpili sa susunod sa DOH Secretary. Sinabi din ni Sec.

Trixie na hindi nila sinasabing sila ay nahihirapan subalit dahil ito’y importanteng posisyon, kailangan itong dumaan sa matinding pagsusuri.

Ano nga ba ang mga katangian ng dapat tinataglay ng susunod na Secretary of Health? Para sa amin mga normal na mamayan, kailangan natin ng Secretary na alam ang mga technical ng aspetong pang medical.

Kailangan din magaling mangasiwa ang magiging susunod na Secretary of Health.

Siya dapat ay may karanasan sa pang ehekutibo or sa executive branch of government sapagkat siya mag magpapatupad ng lahat ng layunin ng ating mahal na Pangulo. Siya ang gagabay sa mga attached agencies ng DOH gaya na lamang Philhealth at marami pang iba. Maigi din na may karanasan siya sa paghawak ng mga hospital. Importante din na siya ay may malalim na kaalalaman ukol sa pandemyang atin kinakaharap.

At ang pinakaimporante sa lahat, wala dapat bahid ng kurapsyon ang magiging susunod na Kalihim ng DOH.