Marites Lang

Ang Education System sa Pilipinas

Marites Lang May 13, 2022
318 Views

BILANG panimula hindi ko gaanong idudugtong ang mga bloopers sa Pinoy Big Brother House ng mga kabataang housemates na hindi kilala sina Gomburza at hindi alam ang summer capital ng bansa na Baguio. Hindi magandang mabigyan ng emphasis ang kahihiyan ng Department of Education sa issue na ito. Subalit suriin nating mabuti ang sistema ng edukasyon sa bansang ito. Bakit kaya si presumptive Vice President Sara Duterte ang ilalagay sa DepEd ni incoming President BBM? Himayin natin ang pinaka posibleng dahilan sa desisyon na ito.

Unang una ay ang ginawa nila na K to 12 program ang educational system, kung saan mula kindergarten ay may 12 years na pagaaral pa na dapat gawin para magkaroon ng diploma ang mga kabataang Pilipino na preparasyon sa pagpasok ng College or University. Ang K to 12 ay binubuo ng basic Kindergarten program, anim na taon na primary education, apat na taon na junior high school at dalawang taon na senior high school. Matagal na programa at magastos eto. Kumpara sa dating 6 years elementary plus 4 years high school program tumagal pa ng 2 years bago makapasok ng kolehiyo ngayon. Parang sa Amerika, Canada at Europa ito kaya dapat mas matalino silang mga kabataan ngayon. Eto daw ay ginawa para patibayin ang pundasyon ng edukasyon ng mga kabataang Pilipino.

Ito ay napirmahan ni dating Pangulong Pnoy noong May 15, 2013 bilang Republic Act 10533 at nag resulta sa tinawag nilang trifocalization of the education sector in three governing bodies namely:CHED, DepEd at TESDA.

Nosebleed to the max tayo sa mga concepts na ito kasi po ay naghiwalay ang kumokontrol ng programa para sa mga karamihang nagkaroon ng diploma sa pagtatapos ng kolehiyo (DepED), ang mga nagkaroon ng pagkadalubhasa or graduate studies(CHED) at yung nag aral ng mga skills para madaling magkatrabaho mostly sa abroad(TESDA). At dapat maayos ang resulta nito kapag binasa ang batas. Pero anubey at nawalwal ang kabataang Pilipino sa kakulangan ng kaalaman? Nalurkey ako sa kahinaan sa general information ng mga estudyante at mas salat sila sa kaalaman tulad ng basic education.

Hindi lang sa PBB Housemates ako na-amuse sa kakulangan ng alam kundi sa mga nakakausap ko sa mga pila sa fastfood at mga malls. In short, alam na kung ano ang overall effect ng batas na ito. At higit sa lahat madaming may mga diploma ang ni hindi marunong mag-operate ng computers at talagang salat sa mga basic knowledge like math and statistics.

Isang halimbawa ay ang nagdaang proseso ng pangangampanya sa election na nakaraan. Etong mga statistics na nireport ng ilang scientific research groups na nag-aral ng mga iba’t ibang observations sa mga ilang populasyon ng lipunan. Nireject nila ang data na inireport at ang tinira nila ay ang sample size which will not speak of the actual votes daw. Teka lang, hindi nila binasa yung concept ng statistical analysis to determine indicators of certain causes and effects of certain approaches or action plans. Napanood ko sa tv ang reaction ng isang anchor sa news reporting na nag interview sa isang social scientist. Sabi nung social scientist ay eto: “Sana nung nakita nila ang result ng mga researches ay iniba nila ang campaign strategies nila!” Nagulat yung news anchor kasi siya mismo ay hindi alam na yung research data ang indicator ng effectivity ng campaign plans ng mga kandidato. Ano bang problema at dumami ang tunay na salat sa kaalaman at sila pa ang may nerve na tumawag sa mga may dissenting opinions (na desente naman din) at bumoto sa mga nanalo sa eleksyon na bobo daw. Ni hindi ninyo naintindihan ang mga gamit ng basic scientific research data tapos judgemental kayo. You have to know that hindi lang kayo ang mga Pilipino na nagmamahal sa bansa natin noh!

Ngayon dahil sa mga reactions ninyo, huwag kayo magtaka kung bakit ipinauusisa ni incoming President BBM kay VP Sara ang DepED at malamang sa buong structure ng edukasyon sa bansang ito. Huwag kayong pikon na porke hindi nyo nakuha ang gusto nyo e magrarally kayo sa kalye. E hindi ba nyo alam kung ilan ang mga pekeng diploma na galing sa mga underground printing press at mga pekeng transcript of records ang ginagamit ng ibang supposedly ay professionals sa bansang ito? Unfair sa mga nagsunog ng kilay sa eskwelahan ang ikinikilos ng mga pekeng credentials noh! At ang mga matatalinong mga Pinoy kung hindi man sa top schools dito nag aral ay sa abroad nag aaral kasi po ay bago matanggap sa schools abroad ang mga pinoy ay stringent ang screening. Ang idea is mas stringent, mas challenged sa training at disiplina ng isipan. Huwag kayong mga bastos na maledukadong nanglalait sa mga hindi ninyo parehas ang opinions.

At hindi ko man nilalahat sa dahilang ang iba ay hindi maliwanag ang paghagip sa sitwasyon ng ating mga kabataan at kababayan, ang ating bansa ay kailangang ireporma ang mga sistema sapagkat punong puno kayo ng hatred na hindi maintindihan kung saan naggagaling na nagmamanifest sa sobrang irrational behavior. Dapat objective tayo at structured mag-isip. Hindi kasalanan ng mga Marcos at Marcos supporters kung kayo ay dependent ang peace of mind nyo sa pagkapanalo ng mga ikinampanya at sinuportahan nyo ha… umayos kayo. Kanya kanya tayo ng opinion at kanya kanya tayo ng sinuportahan kasi lahat tayo ay entitled gumawa ng opinion at sumuporta sa gusto nating kandidato. Bakit ambabastos naman ng iba sa inyo? Hindi lang kayo ang Pilipino at huwag ninyo isipin na the future of this country is in peril because of the powers that be. Sino ba kayo para gumawa ng ganyang correlation ay simple data analysis nga lumalagpas sa inyo noh! Tama lang na si Madam VP Sara ang mag-ayos ng sistema sa edukasyon at ng madagdagan ang talino ng mga tinimbang ngunit kulang. Isang masigabong palakpakan para kay incoming Prez BBM sa pagbibigay ng pansin sa education system dito sa atin. Ang mga breeding ng ibang kababayan natin ay baka sakaling magiimprove dahil dito.

At sa ibang mga guro na nag-eencourage na magrally sa kalye ang mga estudyante, kung hindi nyo kaya sila bigyan ng sunblock maawa naman kayo sa kanila kasi ang sunspots ay antagal alisin noh! At ang amoy araw na nakukuha sa pagrarally ay masangsang at kadiri mga ate at kuya. Kawawa ang maglalaba ng damit nyo noh!

Pwede ba imbes tumayo kayo at magsisigaw sa kalye e mag aral kayo kung paano maipaaabot sa mga pinuno ang mga repormang makatotohanan na iniisip ninyo. Or better yet, think of how we can help improve our systems. Maganda ang mga effects ng presence natin if progressive na ganyang klase ang ating ginagawa. Think before you talk please. Ang sabi sa amin ng magulang namin ang taong nagiisip ay nakatikom ang bibig at tahimik. Ang maingay at laging salita ng salita ay tamad magisip kasi puro tanong, hanash at reklamo. Alin ba kayo doon??