Marianito Augustin

Ang engrandeng pagbubukas ng Pier 88 sa Liloan Cebu City

199 Views

PORMAL ng binuksan noong nakaraang Sabado (May 27) ang tinaguriang “landmark project” ni House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco. Ito ay ang Liloan Cebu Port Development Pier 88 o ang Liloan Port sa Cebu City na magbibigay ng napakaraming potensiyal.

Malapit sa puso nina Congressman Duke Frasco at may-bahay nitong si Department of Tourism (DOT) Sec. Marian Christina Garcia Frasco ang proyektong ito sapagkat ginugol nila dito ang kanilang buong oras at panahon para lamang maisakatuparan ang isang “mega-project” na tulad ng Pier 88.

Sa kaniyang talumpati, buong pagmamalaking sinabi ni Congressman Frasco na ang Pier 88 ay itinuring nilang bahagi ng kanilang pamilya. Kung saan, ipinahayag ng mambabatas na ito ang ika-limang anak nila ni Secretary Frasco. Ibig lamang nitong sabihin na talagang naging parte na ng kanilang buhay ang Pier 88 project.

Binanggit pa ni Cong. Frasco na pinaghandaan nilang mabuti at naging metikoloso ang ginawang nilang preparasyon para lamang maisakatuparan ang Liloan Cebu Port Development Pier 88 na isang landmark project dahil napakaraming oportunidad na maibibigay nito para sa kaniyang mga kababayan.

Ito ang naging pahayag ng kongresista sa kaniyang talumpati. “As many of you may know my wife Christina gave birth to our four adorable and lovely children. However, what you may not know is that we actually have five children. Conceive in the year 2015 during my last term as Mayor of Liloan, born on March 22, 2019 during Christina’s first term as Mayor of Liloan. Raised with devotion and meticulous preparation by Ninong Eric and Kyle. I am most proud to present as any parent would do for their children. The Liloan Cebu Port Development Pier 88.”

Ang masipag na Chairman ng House Committee on Tourism

BINABATI natin ng “congratulations” ang masipag na Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona dahil sa kaniyang pagsisikap na maisulong ang turismo ng ating bansa sa pamamagitan ng mga inihain niyang panukalang batas.

Pumasa na kasi ikatlo at huling pagbasa ang dalawang panukalang batas na ininderso ng Komite ni Congressman Madrona na magpapa-angat ng turismo sa lalawigan ng Mountain Province at Tarlac sa pamamagitan ng pade-deklara sa mga nasabing lugar bilang “tourist destination”.

Sa pamamagitan ng 293 votes mula sa mayorya ng mga kongresista, zero negative votes at zero abstention. Inaprubrahan ng Kongreso ang House Bill No. 8003 (Declaring the Municipality of Barliking Mountain Province a Tourism Development Area) at House Bill No. 8004 (an Act Declaring an Area Encompassing Mount Damas Ubod Falls Located in Barangay Maasim Municipality of San Clemente Province of Tarlac and Eco-Tourism Destination).

Dahil sa pagkakapasa ng dalawang mahalagang panukalang batas na ito, inaasahan na mapapa-unlad nito turismo ng Mountain Province at Tarlac dahil sa pagpasok ng mga lokal at dayuhang turista. Hindi lamang iyan, malaki ang maitutulong nito para sa ekonomiya ng dalawang probinsiyang ito.

Naaalala ko ang sinabi sa atin dati ni Congressman Madrona na ang Philippine Tourism ang isa sa mga “economic drivers” ng ating pamahalaan. Ang ibig sabihin nito, nakasalalay sa turismo ng bansa ang pag-angat ng ating ekonomiya dahil sa mga dayuhang turistang bumibisita sa ating bansa.

Naniniwala si Madrona na ang Philippine Tourism ang itinuturing na “economic drivers” o economic backbone ni President Ferdianand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sapagkat ito aniya ang magbibigay ng malaking kita sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng nararanasang krisis ng mamamayan.