Angara

Angara kinatigan PBBM sa EO 1

210 Views

KINATIGAN ni Senador Edgardo Sonny Angara ang Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa desisyon nitong alisin ang ilang sangay ng gobyerno na wala ng tamang gamit at hindi na maayos ang serbisyo para sa taumbayan gayundin ang duplikasyon ng trabaho ng ilang sangay sa pamahalaan na dagdag gastos lamang para sa bayan.

Ayon kay Angara, napapanahon na aniya upang gawin ang ganitong desisyon ng pangulo lalo pa at kailangan magtipid ang gobyerno sa ganitong panahon na malaki ang kinakaharap natin na pagsubok dulot ng pandemya at iba pang suliranin sa buong mundo

Sinabi ni Angara na ang desisyon na gawin rightsize ang bureaukrasya ay makapagbibigay kaluwagan para sa gobyerno upang mabawasan ang mga gastusin na kinakaharap ng bayan sa kasalukuyan.

Si Angara na siyang chairman ng Finance committee sa Senado ay naniniwalang hindi bago ang ganitong uri ng gawain dahil umano sa ginagawa rin ang ganitong uri ng pagbabawas gastos sa ibang mga bansa.

Hindi aniya bago ang ganitong uri ng pagtitipid at wala din nakikitang masama si Angara sa desisyon ng pangulo upang rebesihan ang mga opisinang na do doble ngunit isa lamang ang trabaho at departamento na halos hindi na nakapagbibigay ng serbisyo sa bayan.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos jr, ang kanyang desisyon na i abolish ang kontobersiyal na Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) gayundin na ilang opisina na hindi na nakapagbibigay ng tamang serbisyo sa ilalim ng kanyang Executive Order no. 1.

Rerebisahin pa ng economic team ng pangulo ang iba pang departamento at magpapatuloy silang alamin kung ano ang mga dapat gawin upang makatipid ang pamahalaan sa ganitong uri ng gastusin .