Brigada Si Education Secretary Sonny Angara sa opening ng Brigada Eskwela 2026 sa Agusan del Norte noong Lunes.

Angara nanguna sa Brigada Eskwela

Arlene Rivera Jun 1, 2026
25 Views

Brigada1INILUNSAD ng Department of Education (DepEd) noong Lunes ang nationwide Brigada Eskwela.

Opisyal na nagsimula ang programa sa Cabadbaran City National High School sa Agusan del Norte.

“Ang Brigada Eskwela ay patunay ng lakas ng ating bayanihan para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Sa paggabay at suporta ni Pangulong Bongbong Marcos, pinag-isa natin ang TUPAD at Brigada upang hindi lang ihanda ang mga paaralan, kundi maghatid din ng kabuhayan sa mga pamilyang nangangailangan,” sabi ni DepEd Secretary Juan Edgardo Angara.

May theme na “Bayanihan sa Paaralan: Nagkaisa para sa Kaayusan at Kaalaman,” kasama sa proyekto ang paglilinis, repairing at repainting ng mga classrooms at school grounds.

Kasali sa proyekyo ang mga miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program volunteers.

Aabot sa 240,000 TUPAD members ang kasali sa programa.