Kris

Angel, ’di ma-let go si Kris

Vinia Vivar May 5, 2022
310 Views

Hindi natuloy ang pag-alis ni Kris Aquino patungong USA noong Martes. Sinabi niya ito sa Instagram post ni Angel Locsin that same day.

Ayon kay Kris, hindi siya binigyan ng clearance ng kanyang doktor to travel dahil sa kanyang blood pressure.

“Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na ‘sana hindi ka pa makatuloy, Ate…’ I said, ‘Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga’ then you said: ‘sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go.’

“Grabe your gift of i don’t know if premonition or pang-awat, true enough nasa airport na si kuya josh, bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin yung long haul flight,” sabi ni Kris kay Angel sa IG comment niya.

Binanggit din niya na nagkaroon pa siya ng asthma attact at hinilingan si Angel na dalawin siya.

“Nag asthma attack last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagka bilib at pag love ko sa yo. But please makakadalaw ka naman diba?” ani Kris.

Sumagot naman si Angel ng “omg ate sorry! Nandito pa ako sa Cebu ate! Visit kita agad.”