Breath

Tony, kinabahan kay Ariella

Vinia Vivar May 5, 2022
228 Views

First time nagkatrabaho sina Tony Labrusca at Ariella Arida sa Vivamax Original Movie na Breathe Again mula sa direksyon ni Raffy Francisco.

Aminado si Tony na kinabahan siya since first time niyang makatrabaho si Ariella at may mga love scene pa sila pero naging masaya naman daw ang kanilang shooting.

“I think, hindi naman maiwasan na kung mayroon kang hindi pa nakakatrabaho, kinakabahan ka nang kaunti kung makakasundo mo sila or something.

“Ang gusto ko lang, maging kumportable si Ara (Ariella), kasi siyempre, medyo sexy ‘yung film, so I just wanted her to be comfortable. And ‘yun nga, I think, nakatulong na nasa dagat kami.

Sobrang saya kasi kasama sina Direk, sina Mamu, ang bait ng prod (production team), so chill vibes lang. Everybody was super fun to work with,” sey ni Tony.

Ayon naman kay Ariella, bago pa man sila nag-shoot ay nagkaroon sila ng training for diving at doon pa lang ay nakilala na niya kahit paano si Tony.

“Especially nasa dagat kami and iba kasi ‘yung nabibigay na vibe ng dagat, eh. Mas relaxed, so it helped us better na we connected instantly. So, walang problema at all. Sobrang chill katrabaho ni Tony sa lahat ng mga eksenang ginawa namin. Okay siya kasama,” ani Ara.

Kasama rin si Ivan Padilla sa pelikula bilang isa rin sa leading men ni Ara at kapwa siya may intimate scenes sa dalawang aktor.

Asked kung paano niya iku-compare ang love scenes niya sa dalawa, aniya, magkaiba raw.

“Magkaibang dynamics siya kasi magkaiba rin ang pinanggagalingan ng role. I would say, with Ivan, kasi we’re coming from a long relationship, so that kind of intimacy, ‘yung makikita mo talaga sa matagal nang mag-partner compared to an intimacy na parang ‘yung spark just ignited, so you could tell the difference from that pa lang,” she said.

Hindi na bago kay Ariella ang paggawa ng maseselang eksena matapos maging bahagi ng mga pelikulang tulad ng Sarap Mong Patayin at More Than Blue.

Abangan kung gaano kainit ang kanyang eksena kasama sa Breathe Again.

Samantala, ito ang unang pelikula ni Tony sa Viva matapos ang dalawang taon. Bumida siya sa Hindi Tayo Pwede noong 2020.

Ipalalabas ang Breathe Again sa Vivamax sa June 3.