Angel

ANGEL HINAHANAP NG NETIZENS KAY NEIL

Vinia Vivar Apr 24, 2024
124 Views

Talagang pinaninindigan ni Angel Locsin ang pananahimik sa showbiz at social media dahil ni hindi niya nagawang sagutin ang birthday greeting post sa kanya ng kaibigang si Dimples Romana.

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Angel noong Martes, April 23, at binati siya ni Dimples sa Instagram account nito.

Nag-post si Dimples ng old picture nila ni Angel na magkasama at sa caption, she wrote, “Maligayang kaarawan Lyka. Mahal kita lagi lagi.”

Sa comment section ay hindi si Angel ang sumagot kundi ang mister niyang si Neil Arce.

“Thank you daw,” reply ni Neil.

Kaya naman pinutakti ng fans ang komento ni Neil at nakiusap na ilabas at pabalikin na ang kanilang idolo.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Pls po papabalikin niyo siya maawa kayo sa amin. uhaw na uhaw na kami sa kanya.”

“Pakilabas si angel.”

“Buhay pa ba asawa mo?? Bat di nagpaparamdam?

“Happy Birthday sa maganda mong asawa @therealangellocsin . miss na miss ka na namin Darna.”

“Pasabi po Happy Birthday. miss na miss napo namin siya. Thank you sir neil.”

NAGBABALA

Nagbigay ng babala ang Star Magic hinggil sa walang tigil na pag-atake sa P-pop goups na BGYO at BINI sa social media.

Ito ay ginawa nila sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Joji Alonso.

Narito ang nakasaad sa official statement:

“BGYO, BINI and its respective members have been the subject of malicious online attacks designed to seriously hurt and damage their reputation. These continuous reckless posting and sharing of harmful, negative, and false accusations are violative of cyberbullying and anti-libel laws.

“With the prevalence of social media and digital platforms where content shared become permanent for public’s consumption, we ask the netizens to be responsible in posting and spreading hurtful content. It is everyone’s duty to create a safe online environment, rather than be the first to commit criminal acts.

“The past months have been a painful experience for BGYO and BINI’s members as they learn the value of personal accountability. Both groups have gained the courage to stand-up against online bullies.

“BGYO and BINI’s management will take legal action against these emboldened bashers who circulate unfounded rumors. Appropriate government agencies and private service providers have been tapped to gather evidence and hold these perpetrators accountable for their unlawful behavior. Filing of criminal cases will be set in motion.

“Again, we remind the public that it is not only crucial to call out acts of bashing and cyberbullying, but to show kindness and accord everyone due respect, both online and in real life.”

Ang BINI ay isang Pinoy girl group na binubuo ng walong members habang ang BGYO naman ay isang Pinoy boy band na binubuo ng limang members.