Julie Anne

Julie Anne magaling na

Vinia Vivar Apr 24, 2024
37 Views

Magaling na si Julie Anne San Jose matapos maospital nitong nakaraang Biyernes na naging dahilan kung bakit hindi siya nakasipot sa Regine Rocks: The Repeat concert ni Regine Velasquez na ginanap sa MOA Arena.

Guest dapat si Julie Anne sa concert ni Asia’s Songbird at excited nga itong mag-perform.

Nag-rehearse pa ang aktres/singer a day before.

Pero nangyari nga ang hindi inaasahan kaya hindi siya nakasipot.

Ayon sa Asia’s Limitless Star ay nakaramdam siya ng severe stomach pain at migraine attack nang araw na ‘yun.

“Paggising ko, bigla na lang akong nagsusuka, ta’s it went on for hours, eh. Tapos sabi ko, ayoko munang dalhin ‘yung sarili ko sa ospital kasi baka mamaya, mawawala naman,” sey ni Julie Anne sa panayam ni Aubrey Carampel ng GMA-7.

Pero hindi umano nawala ang sama ng kanyang pakiramdam kaya nag-decide na siyang magpa-ospital.

“Nu’ng nagdire-diretso na, hindi na talaga tumitigil, nagpa-ospital ako kasi natakot din ako at saka ‘yung family ko, natakot din sila. Even Ray (Rayver Cruz, her boyfriend) was there, pinuntahan din niya ako sa hospital,” aniya.

Ipinagpapasalamat naman ng Kapuso singer/actress na naintindihan ni Regine ang kanyang sitwasyon pero ikinalungkot niya pa rin na hindi siya nakapag-perform sa concert ng kanyang Ate Reg.
“Siyempre, nakaka-feel bad pa rin kasi talagang looking forward ako na makasama ulit si Ate sa stage,” sey ni Julie Anne.

Sa ospital ay sumailalim sa ilang tests ang girlfriend ni Rayver at na-discharge na rin naman siya agad.

May clearance naman din daw siya na bumalik na sa trabaho.