Angelica

Angelica, handa na sa puyatan

Vinia Vivar Apr 17, 2022
269 Views

Ready na si Angelica Panganiban sa puyatan kapag naisilang na niya ang first baby nila ni Gregg Homan.

Nag-post si Angelica ng larawan nila ni Gregg na nasa kama kasama ang kanilang pusa. Sa caption ay nakalagay ang oras na 6:36am.

Tila ginising sila ng kanilang pet.

“6:36AM Cindy the cat, making sure, praktisado na kami sa puyatan at gisingan na magaganap sa mga susunod na kabanata,” caption ni Angelica.

Panay din ang post ng aktres ng kanyang mga kinakain at iniinom na obviously ay nasa paglilihi stage pa siya.

Mukha namang asikasung-asikaso siya ni Gregg. Sey nga niya sa isang panayam, masarap daw palang magbuntis dahil alagang-alaga siya ng mga tao sa kanyang paligid.

Okay daw sa kanya kahit anong gender ng baby basta healthy ito.

“Totoo pala ‘yung sinasabi nila pagka ganyan. Hindi mo kakayaning mag-wish ng girl or boy. Gusto mo lang, healthy, kumpleto sila, kumpleto ‘yung daliri, nagpa-function ng maayos, malakas ang baby, okay ang heart beat niya, basta gusto mo lang talaga, maging healthy,” aniya.

Jeric & RabiyaMAGKAIBANG RELIHIYON, NAGSAMA SA VISITA IGLESIA

Sa kabila ng kanilang magkaibang relihiyon, magkasamang nag-Visita Iglesia ang new showbiz couple na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo nitong nakaraang Biyernes Santo.

Nag-post si Jeric sa kanyang Instagram account ng series of photos nila ni Rabiya habang nasa iba’t ibang simbahan o ang tinatawag ngang Visita Iglesia.

“This holy week has reminded me that God’s love is bigger than our mistakes in this world. To be a good follower is not about being a perfect Christian but it’s all about choosing to love and understand in all ways always,” caption ng Kapuso actor.

Makikita rin sa larawan na kasama nila ang pamilya ni Jeric.

In one interview ay nabanggit na ni Rabiya na kahit magkaiba sila ng relihiyon ng boyfriend ay inirerespeto naman nila ang paniniwala ng isa’t isa. Born-again ang beauty queen habang si Jeric naman ay Katoliko.

“Hindi lang siya din parang relationship na all about love. Gusto rin namin, we have spiritual growth. Kahit may differences kami when it comes to religion, we just make sure to meet in the middle and respect those differences,” ani Rabiya sa panayam.