gilass Gilas Pilipinas women’s basketball team. FIBA photo

Animam-less Gilas women kumpiyansa

Robert Andaya Mar 15, 2022
445 Views

WALA man ang star player na si Jack Animam, tiwala ang Gilas Pilipinas women’s basketball team na mapapanatili nito ang korona sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ngayong Mayo 12-23.

Sa official line-up na isinumite ni Gilas Pilipinas head coach Patrick Aquino sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa darating na kumpetisyon, lalaro muli ang mga holdovers na sina Afril

Bernardino, Clare Castro, Janine Pontejos at Ella Fajardo pati na ang mga Fil-Ams na sina Mai Loni Henson, Stephanie Berberabe at Malia Bambrick.

Kasama din sa 18-player national pool sina Camille Clarin, Khate Castillo, Chack Cabinbin, Andrea Tongco, Kristine Cayabyab, Gemma Miranda, Karl Ann Pingol, Katrina Guytingco, Monique Del Carmen, Mikka Cacho at Angel Surada.

Hindi nakasama sa national team si Animam, na sumailalim sa isang surgery sa United States nung January matapos magtamo ng ACL at MCL injuries.

Ito ang unang pagkakataon na makapaglaro sa national team ang 6-1 na si Henson, na miyembro din ng Al Aplemont Le Havre sa France

Nakapaglaro din si Henson sa US NCAA Division I school University of Washington.

Tatangkain ng Gilas na maidepensa ang korona sa women’s 5×5 at 3×3 competitions.

Winalis ng Pilipinas ang Indonesia, 63-56; Malaysia,81-75; at Thailand, 91-71, para masungkit ang korona sa 2019 SEA Games na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Sa 3×3, sina Castro, Bernardino, Pontejos at Clarin ang muling sasabak para sa Gilas Pilipinas.