Doc-Ted-Herbosa

Ano ba ang “Primary Care”?

Ted Garcia Apr 26, 2022
690 Views

SA usapan ng kalusuguan at sa sistema ng kalusugan, mahalaga na maintidihan natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng primary health care o PHC o primary care para magabayan ang ating mga bumabasa.

Ang primary care ay ang pag-alaga ng isang pasyente sa labas ng Ospital. Madalas kasi na marami ang nag-uulat na tungkol sa sistema ng kalusugan pero doon lang sa aruga na ibinibigay sa mga ospital. Dapat malaman ng lahat na 80% ng gabay sa kalusugan ay nangyayari sa labas ng Ospital at yun lang mga malulubha ang nangangailangan ng serbisyo sa Ospital.

Kung ikaw ay nagpatingin sa isang health center o clinic, ikaw ay nabibigyan ng primary health care. Kung minsan, ang klinika ay nasa loob ng Ospital pero ang inyong kailangan lamang ay isang reseta ng gamot o kaya ay payo medical lamang, ito ay tinatawag na primary health care. Hindi rin lagi duktor ang magbibigay ng primary health care, pwedeng, Barangay health worker o BHW, pwedeng midwife o nars. Yung ating mga GP or general practictioners ay nagbibigay din primary health care. Gannon din ang ating mga municipal health officers o MHO.

Mahalaga na maintindhan natin ang primary health care kasi isa ito sa haligi ng Universal Health Care o UHC kung tawagin ay kalusugan pangkalahatan.

Sa mga malalayong lugar ay walang healthcare kung walang primary health care. Pwedeng mayroon kang Barangay Health Station (BHS) pero kung walang primary care health services ay wala din magiging sistema ang kalusugan sa isang malayong lugar.

Ang primary healthcare ang kailangan natin palakasin sapagkat dito natin makikita kung paano mapapaganda ang sistema ng kasulugan para sa mga Filipino. Ang PHC ay mahalagang palakasin ng susunod na administrasyon. Ang Primary Health Care ay isang mahalagang layunin ng Health Care for All na adkokasya ng WHO (World Health Organization) noon dekada 70. Ngayong 2022 at dahil sa batas ng UHC o RA 11223, importanteng maintidihan nating lahat na ang primary care ay mataas ang antas lalo na pagkatapos ng eleksyon sapagkat ang primary care ay na devolve sa otoridad ng mga lokal na lider gaya ni meyor at gobernor.
Noon dejada 70, marami sa mga sakit sa Barangay ay dahil sa impeksyon. Marami sa kanila ay naayos sa pamamagitan ng malinis na tubig o bakuna sa mga bata.

Ngayong 2022, dumadami na ang tawag na NCD o non-communicable diseases gaya ng high blood pressure, diabetes at asthma. At dito ngayon naiba ng Primary Care sapagkat Ito ngayon ay tumutukoy din sa mga lifestyle diseases at kailangan ng mas mataas na antas ng laboratory testing gaya ng Blood sugar, Blood pressure, Chest Xray at marami pang ibang laboratoryo. Dahil sa paglaganap ng mga NCDs, mas mahalaga na magtayo tayo ng mga polyclinics para sa secondary prevention.

Para magkaroon ng access sa kalusugan, ang mga kababayan natin ay mahalagang dapat mag invest sa primary care o polyclinics. Dapat din ay bayaran ng PhilHealth ang mga serbisyong Ito.

Mahalaga ang Primary Care sa UHC. Ito ang sabi ni Doc Ted.