Calendar
Anthony ‘iniwan sa ere itinapon sa ilalim ng bus’
Tila nagpasaring si Janus del Prado kay Maris Racal dahil sa ginawang ‘panlalaglag’ sa ere ng aktres sa ka-loveteam na si Anthony Jennings.
Matatandaang sa apology video ni Maris na inilabas ng ABS-CBN last Friday ay nadiin naman talaga nang husto si Anthony.
Ayon sa aktres, ilang beses umano niyang tinanong si Anthony kung talagang break na ito sa ex-girlfriend na si Jam Villanueva at ang lagi raw sagot nito ay wala na sila.
Ilang beses din daw siyang nagmakaawa sa aktor na mag-release na ng statement tungkol sa breakup nila ni Jam pero ang lagi nitong sagot ay naghihintay lang siya ng tamang timing.
Sa post ni Janus kahapon sa Threads, nag-upload siya ng picture ni Anthony na malungkot na malungkot ang mukha.
Sey ni Janus, “Yung mukha mo nung iniwan ka niya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nung nagkabukingan na.”
Sinabi rin ni Janus na nalungkot siya for Anthony kahit hindi siya agree sa ginawa nito at pinuri ang ginawa nitong pag-a-apologize dahil wala itong ibang sinisi.
“Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba.
“Di ginamit yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na tao lang kagaya niyo’ at ‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto’. In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa niya. Di siya nagpavictim to avoid accountability. Sana all,” papuri ni Janus kay Anthony.
Matatandaang sinabi ni Maris sa apology video na hindi siya perpektong tao at nagkakamali rin.
May mga umayon namang netizens sa sinabi ni Janus, pero may mga kumontra rin at sinabing lalaki rin kasi ang aktor kaya ipinagtatanggol niya ang kabaro.