Bam

Aquino itinutulak School Safety Act

29 Views

ISINUSULONG ni Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ang pagpasa ng School Safety Act habang naghahanda ang mga mambabatas na talakayin ang school safety concerns.

Layunin ng panukala na magkaroon ang mga paaralan ng malinaw na sistema upang maiwasan, matugunan at maiulat ang mga banta sa kaligtasan ng mga estudyante.

Ang panawagan ay kasunod ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Dapat ituring na agarang usapin ang kaligtasan ng mga estudyante habang humaharap ang mga paaralan sa mga banta tulad ng bullying, armas, mental health concerns at online risks.

Layunin ng School Safety Act na palakasin ang safety mechanisms sa mga paaralan at obligahin ang koordinasyon sa pagitan ng education officials, local governments, law enforcement agencies at iba pang kinauukulang tanggapan.

Kabilang sa mga panukalang hakbang ang school safety hotline at alert system, dagdag na CCTV cameras, at mas maraming police officers, security guards at barangay tanods sa loob at paligid ng mga paaralan.

Makatutulong ang panukala upang maagang matukoy ng mga paaralan ang mga panganib at maayos na makatugon kapag may banta sa mga estudyante, guro o personnel sa loob o malapit sa school premises.

Naghahanda ang Senado na magsagawa ng hearing tungkol sa school safety sa July 9.

Inaasahang tatalakayin sa hearing ang mga nagdaang insidente ng karahasan, school security measures at mga panukalang magpapalakas sa prevention at intervention systems para sa mga mag-aaral.

Plano ng senador na maghain ng hiwalay na panukala upang repasuhin at amyendahan ang Juvenile Justice Act, partikular kaugnay ng heinous crimes gaya ng murder at rape.