Sol

Aragones No. 1 sa survey sa kabila ng mga paninira

Gil Aman May 10, 2025
14 Views

San Pablo City — Nanatili pa ring nangunguna sa pinakahuling survey si gubernatorial candidate Sol Aragones sa Laguna matapos mapanatili ang sunud-sunod na survey sa kabila mga isyung ibinabato sa kanya.

Hindi natinag si Aragones sa mga black propaganda na ikinalat ng ilang kampo.

Sa halip na pumatol, mas pinili niyang ituon ang pansin sa kanyang plataporma at konkretong mga plano para sa mas maunlad na Laguna.

Ayon sa kanya, nananatiling positibo at matibay ang suporta ng mga mamamayan, lalo na sa mga bayan kung saan ipinakilala niya ang kanyang programang “GOByernong may SOLusyon.”

“Kahit ano pa ang ibato nila, ang importante ay tapat tayong naglilingkod at malinaw ang layunin natin para sa probinsya,” ani Aragones sa isang panayam.

Ayon sa datos ng isang local polling survey, base sa 3 000 respondents, 41% sa mga ito ang nagsabing si Sol ang kanilang napupusuang iboto, malayo sa kasunod na kandidato na may 29% lamang.

Sa nalalapit na halalan, lalong umiinit ang laban, ngunit kung pagbabatayan ang takbo ng kampanya at dami ng sumusuporta, malinaw ang mensahe ng taumbayan: Panalo na si Sol.