Calendar

Araw ng Kalayaan paalala na pangalagaan ang kalayaan, paglingkuran ang bayan— Speaker Romualdez
PINANGUNAHAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Kamara de Representantes sa paggunita sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, kasabay ng kanyang panawagan sa sambayanang Pilipino na ipagdiwang ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng paggalang sa mga bayani ng bayan—sa pagtatanggol sa demokrasya, pagsusulong ng inklusibong pag-unlad, at pagkakaisa sa ilalim ng adbokasiyang ‘Bagong Pilipinas’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Independence Day is not only a remembrance of our past. It is a call to strengthen our present and secure our future. It reminds us that freedom must be protected, nurtured, and used to uplift the lives of every Filipino,” pahayag ni Speaker Romualdez sa kanyang opisyal na mensahe.
Binigyang-pugay ng lider ng 306 na kinatawan sa Kamara ang kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa kolonyalismo mahigit isang siglo na ang nakalilipas, na siyang naglatag ng pundasyon ng isang malaya at demokratikong bansa.
“Their bravery laid the foundation for the sovereign and democratic nation we uphold today,” ani Romualdez.
Sabi ni Romualdez, kasama ng Kamara ang sambayanang Pilipino sa pagpapanatili ng mga prinsipyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga batas na nagpapalakas sa demokrasya, nagpoprotekta sa karapatan ng tao, at nagsusulong ng tunay na pag-unlad para sa lahat.
“In support of the Bagong Pilipinas vision, we pursue reforms grounded in transparency, accountability, and service. We believe that true independence means giving our people not only the liberty to dream, but also the tools to achieve those dreams,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Dagdag pa ng pinuno ng Kamara, namamayani sa bawat Pilipino ang diwa ng kabayanihan—sa mga naninindigan para sa katotohanan, naglilingkod nang may integridad, at nagsusumikap na itaguyod ang isang bansang malaya, makatarungan, at matatag
“Let this day inspire us to stand united, to act with purpose, and to serve with integrity,” diin pa ng mambabatas.
Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang paninindigan ng Kamara sa pagpapatibay ng mga institusyon at sa pagpasa ng mga panukalang batas na sumasalamin sa mga mithiin ng isang malaya at pinatatag na sambayanan.