Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Martin4

Speaker Romualdez: Kamara kesa pansariling interes; aksyon kesa dahilan

335 Views

SINABI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Miyerkules ng gabi na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay “masigasig na nagtrabaho at naghatid ng tunay na pagbabago” sa pamamagitan ng paggawa at pagpasa ng mga batas na nagpaunlad sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

“Pinili natin ang layunin kaysa politika. Serbisyo kaysa pansariling interes. Aksyon kaysa dahilan,” ani Romualdez sa kanyang pahayag bago tuluyang suspendihin ang huling sesyon ng Ika-19 na Kongreso.

Ayon sa kanya, mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 10, 2025:

Nagsumite ang mga miyembro ng Kamara ng 11,557 panukalang batas at 2,393 resolusyon 1,565 na panukala ang naipasa 287 batas ang naipasa bilang pambansa at lokal na batas

Naka-average sila ng 29 panukalang sinusuri kada araw sa loob ng 188 araw ng sesyon

“Pero lilinawin ko: hindi ito tungkol sa dami. Ito ay tungkol sa kabuluhan. Hindi po ito paramihan ng batas. Ang tanong: may silbi ba sa tao? At buong paninindigan kong sinasabi: oo. May saysay ang mga batas na ito. Pinabuti nito ang buhay ng ating mga kababayan,” aniya.

Kabilang sa mga ipinagmamalaki niyang tagumpay ng Kongreso:

Pagpapatatag sa soberanya sa pamamagitan ng Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, Philippine Maritime Zones Act, at Self-Reliant Defense Posture Program

Pagsuporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at pagbuhay sa mga nakalimutang industriya gaya ng asin sa Salt Industry Development Act

Pagpapasigla ng pamumuhunan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund Act, Ease of Paying Taxes Act, at CREATE MORE Act

Pagpapalawak sa edukasyon at trabaho sa pamamagitan ng ARAL Program Act, Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program, at Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act

Paghahanda para sa digital na kinabukasan sa pamamagitan ng Internet Transactions Act at VAT on Digital Services Law

Pagpapalakas ng suplay ng enerhiya sa pamamagitan ng Philippine Natural Gas Industry Development Act at mga pagbabago sa EPIRA Law

“Hindi ito basta-bastang batas lang. Isa itong mga estratehikong hakbang. Binabago nito ang papel ng pamahalaan — mula sa pagiging tahimik na tagapanood tungo sa pagiging aktibong tagapagpatupad. Mga batas na may tapang. Mga batas na may puso. Mga batas na may saysay. Hindi kami gumawa ng batas para lang sa balita. Gumawa kami ng batas para sa kasaysayan,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Romualdez na ang bawat panukala ay naaayon sa dalawang haligi ng pambansang pagbabago: ang Bagong Pilipinas governance agenda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ang Philippine Development Plan 2023–2028.

“Isinalin namin ang bisyon tungo sa batas. Ang whole-of-government, whole-of-society approach ng administrasyon ay isinakatuparan sa pamamagitan ng aksyong kapaki-pakinabang sa bawat Pilipino,” aniya.

Ipinagmalaki rin ni Romualdez na ang tagumpay ng Kamara ay bunga ng “malakas at solidong ugnayan” sa pagitan ng Sangay Ehekutibo at Lehislatura — isang ugnayang kailangang ipagpatuloy para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

“Ang mga repormang ipinasa ng Kongresong ito ay may direksyon, may kabuluhan, at may layuning iangat ang buhay ng bawat Pilipino. Mula sa seguridad sa pagkain, digital transformation, social protection hanggang sa katatagan ng ekonomiya — ang Kongresong ito ang naging makina ng lehislasyon ng Bagong Pilipinas,” wika niya.

Dagdag niya, ang ugnayan sa Ehekutibo ay hindi “awtomatiko o pormalidad lamang,” kundi “sinadya at mahalaga.”

Mga numero ng tagumpay:

Sa 64 panukalang batas sa Common Legislative Agenda, 63 ang inaprubahan ng Kamara at 33 ang naisabatas

Sa 28 priority bills ng LEDAC, 27 ang naipasa — “on time and on target”

“Ang pagkakaisang ito ay hindi tungkol sa pagsuko ng independensya. Ito ay tungkol sa pagkakatugma ng layunin sa mga prayoridad ng sambayanang Pilipino. Ito ay tungkol sa pagpapagana sa gobyerno — hindi lang mula sa Malacañang o Kongreso, kundi bilang iisang pamahalaan, isang Republika, isang Bansa,” pagtatapos niya.