Calendar
Arizapa bumira na sa trabaho; 1st order inilabas
ORANI, Bataan— Sumabak na sa trabaho si Mayor Jon Arizapa ng bayang ito at gusto niyang humagupit ng todo para ipabatid sa buong bansa ang tikas ng kanilang bayan.
Ito ang nilalaman sa pinakaunang Executive Order ni Arizapa sa pagnanais niyang maging malinis, maayos ang kapaligiran at maayos na pamamahala.
Inihayag ni Mayor Arizapa na inilunsad niya ang unang EOโ isang komprehensibong hakbang na nakatuon sa k๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด b๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
Matatandaan na ginamit ni Mayor Arizapa ang kanyang sariling heavy equipment para maglinis sa mga baradong imburnal, daanan ng tubig ulan at iba pa.
“Simula na ang mas pinaigting na paglilinis sa buong Orani mula sa palengke, terminal, at mga lansangan hanggang sa bawat barangay,” sabi ng mayor.
“Hindi lang pisikal na kalinisan, kundi pati integridad sa serbisyo. Lahat ng mga kawani ay inaasahang sumunod sa Organized Workplace Policy at Code of Conduct and Ethical Standards, at magpakita ng tapat, magalang, at may ngiting serbisyo sa bawat taga-Orani,” ani Mayor Arizapa.
“Ito ang bagong mukha ng serbisyo sa ating bayan d๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ, m๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐, m๐ฎ๐ฎ๐๐ผ๐ at m๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ,” dagdag pa ni Arizapa.

