Arnell

Arnell bakit malapit ang puso sa mga OFWs

Eugene Asis Aug 22, 2022
341 Views

SA pagkaka-appoint sa kanya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang bagong Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), alam ni Arnell Ignacio sa puso niya na mas matutulungan pa niya ang ating mga OFWs sa kanyang pagkakatalaga.Marami ang hindi nakakaalam na naging isang OFW din si Arnell noong araw. Nagtrabaho siya noon sa Japan at alam niya ang hirap na mapalayo sa pamilya. Marami siyang natutunan sa buhay habang siya ay nasa Land of the Rising Sun.

Nang mapasok siya sa public service dahil na-appoint siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PAGCOR, hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa OWWA. Dito ay mas tumindi ang kanyang pagnanais na matulungan ang ating mga kababayan dahil alam niya ang buhay ng isang OFW dahil galing siya rito.

Kaya naman naging madali ang naging adjustment niya sa ahensiya. Inakma din ni Arnell ang klase ng pagtugon sa mga problema ng ating mga kababayan dahil ayon sa kasabihan “been there, done that” na siya.

Ito ang nagtulak kay Arnell na mas lalong maging masigasig sa pag-alalay at suporta sa mga OFWs at turuan sila ng ibang pananaw para sila maging matagumpay at maging maganda ang buhay lalo na ang kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.