Ashley

Ashley natupad na ang pangarap

856 Views

Ashley1Ashley2Ashley3Ashley4

NATUPAD na ang pangarap ng young actress na si Ashley Ortega matapos bigyan ng GMA7 ng isang title role primetime series, ang ‘Hearts On Ice’ bilang figure skater.

Big cast support ang kasama rito ni Ashley, kabilang si Xian Lim, bilang leading man, kasama sina Lito Pimentel, Amy Austria, Rita Avila, Ina Feleo, Roxie Smith. Kim Perez, Skye Chua at iba pa. Ito’y sa direction ni Dominic Zapata.

Sa kuwento, si Xian ay gaganap bilang may-ari ng ice skating rink na isang hockey player.

First big role naman ito ng new Sparkle actor na si Kim Perez bilang kababata ng karakter ni Ashley.

Kuwento ng mother ni Ashley na si Kathleen, five years old pa lang ang anak ay hilig na nito ang sport na figure skating. At age 6, nakasali agad ito sa isang international competition sa Bangkok, Thailand. Nasundan pa ito sa apat pang bansa: Japan, China, Malaysia at Indonesia. May 10 medalya ang naiuwi ni Ashley para sa Pilipinas pero lahat-lahat, more than a hundred of medals ang nakuha na ng actress bilang figure skater.

Tumigil lamang ng training si Ashley nang siya’y 13 years old na matapos ma-discover ng talent manager na si Atty Bebong Munoz (dating boyfriend ni Jolina Magdangal) para gawing contract star ng GMA Artist Center.

Naging leading lady na si Ashley ng ‘Lolong’ star na si Ruru Madrid sa award-winning na pelikulang ‘ Bamboo Flowers’ (shot entirely in Bohol) na dinirek ng namayapang direktor na si Maryo J. Delos Reyes.—Noel Asinas