Ateneo Tinangka ni AdU’s Jerom Lastimosa na makabuslo ng lay-up laban kay Ateneo’s Kai Ballungay. UAAP photo

Ateneo binigo ang Adamson

Theodore Jurado Dec 1, 2022
394 Views

NAKOPO ng Ateneo ang No. 1 ranking sa Final Four at hinihatid ang Adamson sa playoff kontra sa La Salle para sa nalalabing semifinals berth sa pamamagitan ng 66-61 panalo kagabi sa UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Humabol ang Falcons mula sa 15 puntos na pagkakabaon at tinapyas ang deficit sa 61-62 mula sa basket ni Cedrick Manzano, subalit kumapit ang Blue Eagles, nang umiskor si Ange Kouame ng lay-up para sa tatlong puntos na abante.

Makaraang mabigo si Kouame na makumpleto ang three-point play, tinangka ng Adamson na makahirit pa sa huling 35.3 segundo, subalit nagmintis ang mga tres nina Joaquin Jaymalin at Jed Colonia na nagpatabla sana sa laban.

Naiselyo ni BJ Andrade ang panalo para sa Ateneo nang maisalpak ang dalawang pressure-packed free throws mula sa foul ni Jaymalin sa huling 8.4 segundo.

Dapat magpasalamat ang Green Archers sa kanilang matinding karibal na Blue Eagles sa pagpapalawig ng kanilang season.

Nagpakawala si Evan Nelle ng season-high 25 points nang makaiwas ang La Salle sa pagkakasibak sa pamamagitan ng 69-60 tagumpay kontra sa palabang University of Santo Tomas sa unang laro.

Magtatagpo ang Falcons at Green Archers sa alas-6 ng gabi sa Linggo sa Mall of Asia Arena para sa No. 4 spot. Ang magwawagi siyang haharapin ng Ateneo sa Final Four sa susunod na linggo.

Maghaharap naman ang defending champion University of the Philippines, na bumagsak sa No. 2, at third-ranked National University sa isa pang Final Four duel.

Humabol ang La Salle mula sa siyam na puntos na pagkakabaon upang manatili sa kontensiyon.

“It was a hard-fought ball game. We were missing players again and, as I told the guys, that it’s been a rough season for us,” sabi ni coach Derrick Pumaren, kung saan sumalang ang Green Archers na wala sina Mike Phillips at Kevin Quiambao – na parehong “under the weather”.

Naglaro lamang si Schonny Winston ng tatlong segundo upang mag-inbound lamang ng bola sa huling minuto ng laro.

“We just have to keep playing and just gonna do our part. The boys hang tough out there, it was a total team effort,” sabi ni Pumaren.

Sa women’s division, nagtala si Camille Clarin ng 19 points mula sa limang tres at may +16 efficiency rating nang kumalaas ang seven-peat seeking NU sa second period upang talunin ang No. 4 Ateneo, 83-64, at umabante sa Finals sa ikawalong sunod na season.

Pumalag ang third-ranked UST, na sumandal sa 23-point, 11-rebound outing ni Eka Soriano, upang maihatid ang kanilang Final Four duel laban sa No. 2 La Salle sa decider sa pamamagitan ng wire-to-wire na 68-57 tagumpay. Nakatakda ang do-or-die game sa alas-3 ng hapon sa Linggo. (Theodore P. Jurado)

Iskor

Unang laro (Women)

NU (83) — Clarin 19, Cacho 15, Edimo Tiky 10, Canuto 8, Cayabyab 8, Pingol 7, Bartolo 7, Fabruada 6, Betanio 3, Surada 0.

Ateneo (64) — Dela Rosa 22, Joson 13, Calago 10, Makanjoula 7, Villacruz 6, Miranda 2, Eufemiano 2, Angala 2, Nieves 0, Fetalvero 0, Perez 0.
Quarterscores: 27-20, 52-39, 62-50, 83-64

Ikalawang laro (Women)

UST (68) — Soriano 23, Tacatac 17, Pangilinan 11, Dionisio 7, Santos 3, Villasin 3, Serrano 3, Bron 1, Ambos 0, Araza 0.

DLSU (57) — Torres 16, Niantcho 10, Sario 10, Binaohan 7, De La Paz 4, Arciga 4, Jimenez 2, Ahmed 2, Dalisay 2, Espinas 0.

Quarterscores: 14-12, 38-23, 53-37, 68-57

Ikatlong laro (Men)

DLSU (77) — Nelle 25, Cortez 13, Nonoy 10, B. Phillips 8, Macalalag 6, Austria 5, Estacio 3, Abadam 2, Buensalida 2, Manuel 2, Nwankwo 1, Winston 0.

UST (72) — Mantua 17, Cabañero 16, Calimag 10, Faye 9, Pangilinan 5, Manalang 4, Laure 4, Manaytay 4, Lazarte 3, Duremdes 0, Garing 0, Escobido 0.

Quarterscores: 21-27, 37-42, 55-59, 77-72
Ikaapat na laro (Men)

Ateneo (66) — Ballungay 18, Andrade 13, Kouame 12, Koon 7, Padrigao 6, Ildefonso 3, Gomez 3, Chiu 2, Lazaro 2, Garcia 0, Quitevis 0, Daves 0.⁰

AdU (61) — Manlapaz 22, Lastimosa 10, Douanga 7, Hanapi 5, Flowers 5, Manzano 4, Yerro 4, Sabandal 2, V. Magbuhos 2, Colonia 0, Jaymalin 0, Barasi 0, Fuentebella 0, Barcelona 0, Torres 0,

W. Magbuhos 0.

Quarterscores: 17-16, 33-27, 49-41, 66-61