PCAP

Ateneo, St. Benilde sasabak sa PCAP Inter-School

Ed Andaya Jun 29, 2023
412 Views

HIGIT 30 universities at colleges aNG inaasahang lalahok sa kauna-unahang Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Inter-School chess championships simula July 8.

Pinangungunahan ng Ateneo de Manila at La Salle-College of St. Benilde ang mahabang listahan ng mga teams na nagpahayag ng kagustuhang sumali sa four-day competition, na gagawin bilang bahagi ng International Chess Day celebrations sa July 20.

Kasama din sa listahan ang Chiang Kai Shek College, St. Stephen’s High School, San Sebastian College, Jose Rizal University, International School, VCIS-Taguig, VCIS-Pasig, Technological

Institute of the Philippines, MGC, Rizal High School, LICS-Pasig 1, LICS Pasig-2, at mga provincial teams na Ateneo de Zamboanga, Silliman University at University of Nueva Caceres.

Inihayag ni PCAP president- commissioner Atty. Paul Elauria na inaasahang madami pa ang magpapalista sa kumpetisyon, na isasagawa din sa July 9, July 15 and July 16.

Ang PCAP, na kaunaunahang professional chess league sa buong bansa, ay itinatag nina Atty. Elauria, Michael Angelo Chua at iba pang masigasig na supporters ng chess.

Sinusuportahan ang PCAP ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx. at ginagabayan naman ng Games and Amusements Board (GAB), sa pamumuno ni Atty. RIchard Clarin, at National Chess Federation of the Philippines (NCFP). Da pangunguna ni President/Chairman Prospero “Butch” Pichay.