Theft Kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang arestadong suspek. Kuha ni JONJON C. REYES

Ativan Gang ‘babe’ huli ng pulis sa Las Pinas

Jon-jon Reyes May 12, 2026
20 Views

ARESTADO ang babaeng miyembro umano ng Ativan Gang ng mga operatiba ng MPD Binondo Meisic Police Station 11 Lunes nga gabi sa Las Pinas City.

matapos magpatupad ng Warrant of Arrest (The Article of Arrest of the Violation) sa bisa ng Warrant of Arrest para sa Paglabag sa Article 308 (THEFT) ng Revised Penal Code laban sa suspek sa Admiral Street, Barangay Talon Tres, Las Piñas City lunes ng gabi.

Kinilala MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang suspek na si alyas ‘Elma’, 46, walang trabaho, tubong Quezon, naninirahan sa Fajardo Compound, Admiral Street, Barangay Talon Tres, Las Piñas City.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 10:50 ng gabi nang ilatag ang joint operation ng mga tauhan ng MPD Police Station sa pangunguna ni PLT Ryan Orinay Valenzuela, Chief ng Warrant Subpoena Sesction, at PCapt. Tom Jay P. Fallar, Chief Intel, sa ilalim ni PLT.Col. Cicero Magan Pura, Station Commander, MPD-PS11.

Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Judge Lorelie S. Balansay-Tapia, ng MTC Branch 130, Makati City.

Inirekomenda ng korte ang P10,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Pinasalamatan at pinuri niPBGen. Santiago ang kanyang mga kapulisa dahil sa matagumpay na pag-aresto sa suspek,

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing presinto.