Marlon Purificacion

Ayaw magpaawat ang dilawan sa kahibangan

260 Views

UNA mismong si Atty. Romy Macalintal, abogado ni outgoing VP Leni Robredo na walang nangyaring dayaan nitong nakalipas na halalan.

Kaya nagtataka tayo kung bakit hanggang ngayon ay panay pa rin sa banat ang kampon ng dilawan.

Para silang mga lutang at retarded at hanggang sa kasalukuyan ay hindi matanggap na natalo na ang manok nilang Leni Robredo.

Sa mga post nila sa FB at iba pang online platform ay madalas ang patutsada nila na peke daw ang panalo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, dahil simula nang matapos ang eleksyon ay tila nawala na ang mga post na patungkol sa suporta ng 31 milyon na bumoto sa kanya.

Kung di ba naman mga timang, tapos na ang kampanya at nanalo na si BBM kaya wala nang dahilan para magpaka-stressed at magpaka-toxic sila.

Ang hindi nila alam, ang majority sa mahigit 31 milyong bumoto kay BBM ay mga edukado, matitino at may maaayos na trabaho kaya pagkatapos ng eleksyon ay bumalik na sila sa normal na buhay at huminto na rin sila sa sobrang babad sa mga computer.

Isa pa ay hindi na rin nila kailangang mag react pa sa mga walang kakuwenta-kuwenta at panay paninirang post ng mga Dilawan dahil nanalo na nga si BBM at hindi naman na kailangan pang magyabang.

Batid naman na nang buong mundo na kumpirmado na si BBM na ang susunod na pangulo ng bansa kaya nga kahapon lang ay apat na naman na ambassador ang dumalaw at nagbigay pugay sa kanya.

Maging ang isa sa mga kritiko ni BBM na si dating SC Justice Antonio Carpio na masasabi ko na pinakamatalino sa lahat ng lutang na supporter ni Leni ay nag-iba na rin ang tono.

Bagama’t hindi pa siya direktang humihingi ng paumanhin kay BBM dahil sa mga paninira niyang ginawa noong kampanya, tila tinanggap naman niya ang pagkatalo ni Leni.

Sa isang statement, sinabi niya na kapuri-puri ang pahayag ni BBM na ipaglalaban niya ang tagumpay na nakamit ng bansa noong 2016 sa Permanent Court of Arbitration laban sa pag-angkin ng Beijing sa halos buong West Philippine Sea na kilala rin sa tawag na South China Sea.

“We certainly welcome this new position of Marcos Jr., which is the only correct position that any president of the Philippines can take on the West Philippine Sea issue,” sabi ni Carpio noong Sabado.

Idinagdag pa niya na “dramatic and surprising sea change on the West Philippine Sea issue” ang pahayag ni BBM.

Kaya naman siguro ay dapat na talagang tumigil na ang mga lutang na Dilawan at magising na sila sa katotohanan na tapos na ang eleksyon at may nanalo na, kaya dapat tumigil na sila sa kanilang kahibangan.

Sa isang banda, dapat isipin ng kampon ng dilawan na nitong nakalipas na eleksiyon ay walang pinalitan na letrang N kaya hindi natalo si BBM.

Dahil kung nangyari ito, tyak na-smart magic na naman si BBM.