Apo evangelis

Ayaw naming mga kabataan kay Robredo

Apo Vangelis Apr 21, 2022
327 Views

NITONG nakaraang Linggo ng Muling Pagkabuhay (Easter Sunday), lumabas na ang dapat malaman ng taong-bayan tungkol kay Leni Robredo. Siya ay sinungaling, mapagkunwari, magulang at hindi dapat pagkatiwalaan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kaalamang iyan ay nanggaling mismo sa kanyang mga katunggali sa halalan sa pagka-pangulo ngayong Mayo 2022.

Sa isang “press conference” na ginanap nung Sabado, Abril 16, sa Manila Peninsula Hotel sa Makati, Metro Manila, nagsamasama sina Senador Panfilo “Ping” Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, at dating National Security Adviser Norberto Gonzales upang ilahad sa madla ang tunay na pagkatao at masamang ugali nitong si Robredo.

Ayon kay Lacson, simula pa nung Oktubre 2021, nililinlang na sila ni Robredo tungkol sa kung sino ang dapat tumakbo bilang kandidato ng oposisyon sa pagka-pangulo.

Batid ni Lacson, pakunwari pa si Robredo na nagsabi na hindi daw siya (si Robredo) interesado maging pangulo, at sapat na daw na magsamasama ang oposisyon na magpatakbo ng isa lang kandidato.

Sang-ayon naman si Lacson at Moreno. Pati si Manny Pacquiao, sumang-ayon din sa ganung usapin.

Matapos ni Lacson magmungkahi ng paraan upang magkaisa silang lahat, umiwas naman makipagtulungan si Robredo sa kanila.

Bago matapos ang Oktubre 2021, nahalata na nina Lacson, Moreno at Pacquiao na niloloko lang pala sila ni Robredo. Lumabas ang katotohanang nais pala ni Robredo na huwag nang tumakbo ang tatlo upang siya na lang ang kaisa-isang kandidato ng oposisyon sa pagka-pangulo.

“Panlilinlang ang ginawa sa amin ni Robredo,” anya ni Lacson.

Sumang-ayon si Moreno sa sinabi ni Lacson.

Ayon kay Moreno, sinungaling at mapagkunwari si Robredo, at gugulangan ni Robredo ang kahit sino, kahit ang mga kapwa niyang taga-oposisyon, upang siya ang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Halata naman na ganid sa kapangyarihan si Robredo simula pa nung naging bise presidente siya nung 2016. Wala siyang ginawa kundi siraan ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at palabasin sa madla na siya (si Robredo) ang dapat mamuno sa buong Pilipinas.

Opo, ang kapal talaga ng mukha ni Robredo. Walang ginawang mahalagang batas nuong siya ay kongresista (2013-2016). Puro pabongga lang sa TV at pahayagan siya tuwing may pinsala.

Bumagsak si Robredo sa una niyang pagkuha ng Bar exam. Pumasa lang siya sa kanyang pangalawang pagkuha. Tapos, pinalalabas niya na magaling daw siyang abogado!

Linahad din nina Lacson at Moreno na binibili ni Robredo ang mga alagad nina Lacson at Moreno upang pumanig sila kay Robredo. Lumitaw din na pinupuntahan ng ilang mga alagad ni Robredo sina Lacson at Moreno upang sabihang bumaklas na sa halalan upang si Robredo na lang ang tanging kandidato ng oposisyon.

Halimbawa, sinabi ni Lacson na pinuntahan siya ni dating Quezon City Mayor Brigido “Jun” Simon nung nakaraang linggo upang hilingin na huwag na ipatuloy ni Lacson ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo, at pagbigyan na lang niya ang kandidatura ni Robredo.

Sinabi rin daw ni Simon na kapag umayaw si Lacson sa halalan, aayaw na rin si Francis Pangilinan, ang kandidato ni Robredo sa pagka-bise presidente.

Tumanggi si Lacson. Ayon kay Lacson, nainsulto siya sa sinabi sa kanya ni Simon.

Kaagad tumugon ang kampo ni Robredo. Sinabi nila na hindi daw nila pinahintulutan si Simon na makipag-usap kay Lacson. Kaya lang, hindi nila tinanggi na si Simon ay loyalista ni Robredo at ng pamilya ng mga pangulong Corazon Aquino at Noynoy Aquino.

Sinabi rin ni Lacson na inaakit at binibili ni Robredo ang mga kakampi ni Lacson.

Maaalala na nuong patapos na ang taong 2021, ipinahayag ni Lacson ang kanyang kandidatura bilang pangulo sa ilalim ng lapiang Reporma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Pagdating ng buwan ng Marso 2021, kumalas si Alvarez kay Lacson dahil hindi tumupad si Lacson sa kanyang pangakong bibigyan niya si Alvarez ng P800-milyon para sa kampanya sa Davao. Dahil dito, sinabi ni Alvarez na lumipat na siya sa kampo ni Robredo.

Ayon sa mga batikang sumusubaybay sa mga pangyayari sa larangan ng pulitika sa Pilipinas, mukhang binigyan ni Robredo si Alvarez ng malaking halagang salapi upang lumayas kay Lacson at pumanig kay Robredo.

Grabe! Kuwartahan talaga ang usapin sa kampo ni Robredo! Tapos, pinapalabas ni Robredo na hindi siya sang-ayon sa katiwalian at sa paggamit ng salapi upang bumili ng mga boto at botante! Sinungaling!

Tinatanong din ng marami kung saan kumukuha ng salapi si Robredo. Ayon sa mga ulat sa mga ibang pahayagan, maraming negosyanteng Amerikano ang nagbibigay ng maraming salapi sa kampanya ni Robredo, kapalit sa mga malalaking kontrata sa pamahalaan kapag naging pangulo si Robredo.

Sa ilalim ng batas, bawal tumanggap ng salapi o tulong mula sa mga dayuhan ang sino mang kandidatong tumatakbo sa mga halalan sa Pilipinas. Dapat, sumunod si Robredo sa batas.

Tulad kay Lacson, sinabi ni Moreno na inagawan din siya ni Robredo ng mga kakampi.

Ayon kay Moreno, kumalas sa kanyang kampo ang Ikaw Muna, isang grupo ng kabataan, at lumipat ito kay Robredo sa dahilang talunan daw si Moreno.

Para kay Moreno, si Robredo ang dapat umatras sa halalan dahil hindi siya dapat pagkatiwalaan ng taong-bayan sapagkat siya (si Robredo) ay sinungaling, manlilinlang, magulang, at ganid sa kapangyarihan.

Linahad naman ni Gonzales na pinasukan na ng maraming komunista ang kampo ni Robredo. Binase ni Gonzales ang kanyang sinabi mula sa mga ulat ng militar na matagal nang minamanmanan ang mga kilos ng mga komunista sa bansa.

Napansin din ni Lacson na maraming mga komunista ang sumapi sa rally ni Robredo sa Cavite nitong buwan ng Marso 2022. Sang-ayon din sa sinabi ni Gonzales at Lacson si Jesus Crispin Remulla, isang beteranong kongresista ng Cavite.

Maraming mga kongresista at senador na sumisimpatiya sa mga komunista ang tumatangkilik sa kandidatura nina Robredo at Pangilinan. Kitang-kita ito sa ilang mga rally ni Robredo at Pangilinan sa Cavite at Pasig. Halata rin ito sapagkat binabatikos ng mga nasabing kongresista at senador ang mga kalaban nina Robredo at Pangilinan sa halalan, at puro pagpupuri sila kina Robredo at Pangilinan.

Karamihan ng mga komunistang tumatangkilik kina Robredo at Pangilinan ay mga “party-list representatives” mula sa mga lapiang gumagamit ng mga militanteng pangalan.

Samakatuwid, pinapabatid nina Lacson, Moreno at Gonzales na hindi mapapagkatiwalaan si Robredo bilang pangulo, at hindi siya dapat ihalal sa Mayo 9, 2022.

Kaming mga kabataan, sang-ayon sa sinabi nina Lacson, Moreno at Gonzales tungkol kay Robredo. Hindi dapat maging pangulo ng Pilipinas ang mga tulad niya. Kawawa ang bansa kapag nagwagi si Robredo sa darating na halalan.

Maraming salamat, po.