DSWD Si Sec Gatchalian ay sinalubong noong Biyernes nina Gov. Joet Garcia, Mayor Jon Arizapa, Col. Marites Salvadora, Vice Gov. Cris Garcia, Cong. Tony Roman III at Bokal Bong Galicia. Kuha ni Christian Supnad

Ayuda bumaha sa Bataan

Christian Supnad Jul 26, 2025
394 Views

AyudaBATAAN–Bumabaha ng ayuda sa Bataan dahil sa sabay-sabay na pagdating ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga pribadong indibidwal.

Noong Biyernes, si DSWD Secretary Rex Gatchalian mismo ang lumusong sa Orani Fish Landing and Trading Facility upang magbigay ng mga pagkain matapos niyang malaman ang kalagayan ng mga taga-Bataan.

Umabot sa 2,000 katao ang mga apektado ng baha sa lalawigan kabilang na ang mga sa industriya ng pangingisda, ayon kay Gov. Joet Garcia.

Tumanggap ang mga binaha ng food packs mula sa DSWD.

Sinalubong nina Gov. Garcia, Mayor Jon Arizapa, Col. Marites Salvadora si Gatchalian.

Sa Orion, nakatanggap din ng food packs ang 1,200 fisherfolk na apektado ng nagdaang habagat.

Nakasama rito sina DSWD Undersecretary Diana Rose Calipe, Vice Mayor Rex Fuster, mga kawani ng DSWD at mga opisyal ng pamahalaang bayan ng Orion.

Ganon din sa Hermosa na marami rin ang nagbigay ng bigas at food packs gaya nina Engr. Richard Legaspi, Sen. Bong Go at iba pa.

“Hindi po rito nagtatapos ang pagbibigay ng tulong ng ating probinsya at ng pambansang pamahalaan. Patuloy po tayong magbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan katuwang ang iba’t-ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan,” ani Gov. Garcia.