Penones

Penones pinuri bayanihan kaya walang casualty sa CL

Bernard Galang Jul 27, 2025
214 Views

CAMP OLIVAS–Iniulat ng Police Regional Office 3 (PRO-3) na walang naitalang casualty sa Central Luzon sa pananalasa ng bagyong Crising, batay sa datos ng Office of Civil Defense (OCD),

Dahil ito sa pag-activate ng Crisis Management and Incident Task Group (CMITG), ayon sa PRO-3.

Ang CMITG ay agad na ini-activate upang pangasiwaan at ipatupad ang pangkalahatang disaster preparedness and response strategy.

Ang mga aktibong hakbang tulad ng mga preemptive evacuation, deployment ng mga tauhan at mobilisasyon nakakatulong na mabawasan ang epekto ng bagyo sa mga apektadong komunidad.

Pinuri ni PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. ang pagkilos ng lahat ng mga ahensya para sa kaligtasan ng publiko.

“Bagaman ang batas at kaayusan ay nananatiling pangunahing alalahanin ng PNP sa panahon ng mga sakuna, tinitiyak din natin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga komunidad sa pamamagitan ng aktibong pagsuporta sa rescue, evacuation at relief operations,” pahayag ni Penones.